You are here: Programs & Services / LGMED PPAs / Core Functions / Monitoring LGU Compliance to DILG Issuances and National Directives
Alinsunod sa Batas Republika Bilang 11535, lahat ng lokal na pamahalaan sa probinsya, lungsod at munisipalidad ay inaatasang magtalaga ng Cooperatives Development Officer (CDO) sa kani-kanilang mga pamahalaang lokal.
Ang CDO ay kinakailangang:
a. Dapat ay isang Filipino citizen, at mas mabuti kung ito ay residente ng nasabing probinsya, lungsod o munisipalidad.
b. Mayroong good moral character
c. Nakapagtapos ng kolehiyo na may background sa kooperatiba, business administration na may espesyal na pagsasanay sa kooperatiba o kahit anong kurso na may kaugnayan dito mula sa mga kinikilalang kolehiyo o unibersidad.
First grade civil service eligible o katumbas nito; at
e. Mayroong karanasan sa pagbuo o pamamahala ng isang kooperatiba o katulad na karanasan na limang (5) taon para sa CDO sa mga probinsya at lungsod habang tatlong (3) taon naman para sa CDO sa munisipalidad.
Pagbuo ng mga alituntunin upang masigurado ang maayos na paghahatid ng mga pangunahin na serbisyo at pasilidad sa pamamagitan ng organization, promotion and development ng mga kooperatiba, at pagbibigay ng access sa mga nasabing serbisyo at pasilidad;
Pagbuo ng mga plano at istratehiya sa pamamagitan ng konsultasyon sa sektor ng mga kooperatiba at pagpapatupad ng mga ito, partikular na ang mga mayroong kaugnayan sa integrasyon ng mga cooperative values, prinsipyo at kasanayan ng mga kooperatiba sa mga programa at proyekto kung saan ang punong lalawigan, punong lungsod o punong bayan ay mayroong kapangyarihang ipatupad ito at kung saan ang mga sanggunian ay mayroong mandatong kaugnay dito sa ilalim ng Local Government Code of 1991.
Pamunuan ang pagtukoy sa mga grupo, sektor o komunidad na maaaring mabuo bilang isang kooperatiba na may layunin na maging behikulo upang mabawasan ang kahirapan, magkaroon ng mga trabaho at mas lalong umunlad ang munisipalidad, lungsod o lalawigan.
Sa pakikipagtulungan sa CDA, makapagbigay ng tulong oalalay sa mga naghahangad bumuo ng kooperatiba sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga kinakailangang pre-registration seminar at pre-membership education seminar at pati na rin sa paghahanda ng mga kinakailangang dokumento para sa kanilang pagrerehistro.
Alalayan at tulungan ang mga kooperatiba na magkaroon ng ugnayan sa iba't ibang ahensiya ng gobyerno, pederasyon at unyon ng mga kooperatiba, mga akademya, at mga pribadong organisasyon na mayroong mga inisyatibo patungkol sa promosyon at integrasyon ng konsepto ng kooperatiba sa mga kabuhayan ng mga mamamayan at komunidad.
Alalayan at tulungan ang mga kooperatiba sa pagbuo at pagpapatupad ng kanilang mga risk management plans at business continuity plans and management bilang tugon sa epekto ng mga hindi inaasahan na kalamidad at sakuna upang makatulong na malagasan at mapaghandaan ang mga ito pati na rin ang pagbibigay ng rehabilitasyon kung kinakailangan.
Alalayan ang CDA kung kinakailangan para sa pagsasagawa ng mga inspeksyon at pagsusuri.
Alalayan ang mga kooperatiba at tulungan ang kanilang pagtalima sa mga naging resulta at natuklasan sa nasabing mga inspeksyon at pagsusuri.
R10-LGMED-2025-09-26-014 MEMORANDUM RE: REGION 10 SUBMISSION OF IMPLEMENTATION STATUS OF DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2021-110 “PAGTATALAGA NG COOPERATIVES DEVELOPMENT OFFICER SA MGA LOKAL NA PAMAHALAAN NG LALAWIGAN, LUNGSOD AT BAYAN ALINSUNOD SA PAGPAPATUPAD NG BATAS REPUBLIKA BILANG 11535”
R10-LGMED-2025-09-25-003 MESSAGE RE: IMPLEMENTATION STATUS OF DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2021-110: “PAGTATALAGA NG COOPERATIVES DEVELOPMENT OFFICER SA MGA LOKAL NA PAMAHALAAN NG LALAWIGAN, LUNGSOD AT BAYAN ALINSUNOD SA PAGPAPATUPAD NG BATAS REPUBLIKA BILANG 11535”