MGA INSTRUMENTO
MGA INSTRUMENTO
Ang bawat instrumento ay may malalim na kahulugang pangkultura at sumasalamin sa mga halaga at tradisyon ng mga katutubong tao
Ang mga instrumento ng mga katutubo ay mahalaga sa kanilang kultura at pamumuhay dahil nagsisilbing simbolo ng kanilang pagkakakilanlan at tradisyon
Ginagamit ang mga ito sa mga seremonya at pagdiriwang, na nagsisilbing paraan ng pagsasalin ng mga tradisyon at kaalaman mula sa isang henerasyon patungo sa susunod
Ang paggamit ng mga instrumento sa mga ritwal at pagdiriwang ay nagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng mga miyembro ng komunidad, nagpapakita ng pagkakaisa at pagtutulungan
Ang gangsa ay isang tradisyunal na instrumento mula sa mga katutubong grupong Pilipino. Ito ay isang malaking, flat na metal na gong.
Ito ay pinapatugtog sa pamamagitan ng paghampas sa mga gong gamit ang kamay o pamalo.
Ito ay isang malaki at bakal na gong na karaniwang ginagamit sa mga seremonya, ritwal, at iba pang mahahalagang okasyon. Bahagi ito ng mga ensemble na nagtatampok sa iba pang mga instrumentong tulad ng kulintang.
Ito ay pinapatugtog sa pamamagitan ng pagpalo gamit ang isang stick.
Ang kulintang ay isang tradisyunal na instrumento mula sa mga grupong etniko sa Pilipinas. Binubuo ito ng isang hanay ng mga maliliit na gong na nakalinya ng pahalang, at ito ay ginagamit upang lumikha ng melodikong tunog. Karaniwang sinasamahan ito ng mas malalaking gong at mga tambol.
Ito ay pinapatugtog sa pamamagitan ng pagtama ng mga gong gamit ang mga pamalo.
Isang manipis na piraso ng kawayan na may maliit na butas sa gitna na nagbibigay ng iba't ibang tono.
Ang pagpapatunog nito ay sinisimulan sa pamamagitan ng pag-ihip ng hangin gamit ang bibig.
Ito ay isang katutubong instrumentong na gawa sa kawayan na binubuo ng isang hanay ng pinagsasama-samang mga tubo na may magkakaibang haba. Sa Kalinga, ang mga indibidwal na tubo ay kilala bilang saggeypo.
Ito ay pinapatugtog sa pamamagitan ng pag-ihip o pagsipol kung saan ang hangin ay dumadaan sa instrumento at lumilikha ng tunog.
Ang saluray ay gawa sa kawayan at mayroon itong walong kuwerdas upang makabuo ng mga tunog na ginagamit sa pagsasayaw sa panahon ng kasiyahan.
Ito ay pinapatugtog sa pamamagitan ng pagpindot o paghatak sa mga kuwerdas gamit ang daliri.
Ang tongatong ay isang instrumentong gawa sa kawayan na may iba't ibang klase ng haba.
Ito ay pinapatugtog sa pamamagitan ng pagpalo nito sa sahig.