Ang Dinakdakan ay isang tradisyunal na ulam ng mga Ilocano na karaniwang ginagawa bilang pulutan o ulam sa kanin. Ito ay gawa sa mga bahagi ng ulo ng baboy, tulad ng tenga, pisngi, at minsan ulo, na pinapakuluan muna at saka iniihaw, pagkatapos ay tinadtad at hinahalo sa mga pampalasa tulad ng sibuyas, sili, suka o kalamansi, at asin. Ang orihinal na bersyon ay gumagamit ng utak ng baboy bilang pampalapot at pampalasa.
Sa modernong panahon, mayonnaise na ang ginagamit bilang kapalit para mas madali at mas ligtas.
Ang Pinakbet (o Pakbet sa Ilocano) ay isang tradisyunal na ulam ng mga Ilocano na gawa sa halo-halong gulay na niluluto sa bagoong isda (fermented fish sauce). Ito ay isa sa pinakakilalang lutong-bahay sa hilagang Luzon at kumakatawan sa simple ngunit malinamnam na lasa ng lutuing Ilocano maalat, medyo mapait, at masustansya.
Ang mga produktong Ilocano ay sumasalamin sa kasipagan, pagkamalikhain, at simpleng pamumuhay ng mga tao sa rehiyon. Kabilang dito ang mga kakaning gaya ng tupig, bibingka, at iba pang malagkit na pagkain na karaniwang inihahanda tuwing pista at pagtitipon, simbolo ng pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat pamilya. Isa rin sa pinakatanyag na pagkain ang Ilocos empanada, na kilala sa malutong nitong balot at masarap na palaman, patunay ng pagiging malikhain ng mga Ilocano sa paggamit ng simpleng sangkap upang makagawa ng kakaibang putahe. Bukod dito, ang basi o alak na gawa sa tubo ay mahalagang bahagi ng kasaysayan at pagkakakilanlan ng mga Ilocano, dahil ito ay hindi lamang inumin kundi sagisag ng kanilang kalayaan at pagmamalaki sa sariling produkto. Sa kabuuan, ang mga produktong ito ay hindi lang pagkain o inumin, kundi buhay na patunay ng mayamang kultura at tradisyong Ilocano na patuloy na ipinagmamalaki at pinangangalagaan hanggang sa kasalukuyan.
“Agbiag, Agkaykaysa, Agtignay iti Ilocano!"
FEI J. INES 11 STEM - BONIFACIO