Ang edukasyon sa Pilipinas ay dumaan sa iba’t ibang yugto mula sa di-pormal na pagtuturo ng mga katutubo hanggang sa makabagong sistemang pormal. Bawat panahon—Espanyol, Amerikano, at makabago—ay nag-ambag sa paghubog ng kasalukuyang sistema ng edukasyon sa bansa.
Ang edukasyon sa Pilipinas ay dumaan sa iba't ibang yugto ng pag-unlad mula sa nakaraan at hanggang sa kasalukuyan. Bago pa man tayo masakop ng ibat ibang bansa, meron na tayong sistema ng edukasyon. Sa panahon ng Pre-kolonyal ang mga bata sa Pilipinas ay tinuturuan ng mga kasanayang pangkabuhayan sa tulong ng kanilang mga magulang, mga guro ng tribo, o mga taong may espesyal na tungkulin sa komunidad tulad ng babaylan.
Ang kaalaman ay naipapasa sa pamamagitan ng mga kuwento, awitin, tula, sayaw, at mga kaugaliang panggamot na itinuturo sa bibigang tradisyon. Gumagamit din ang ilang komunidad ng sariling sistema ng pagsulat tulad ng baybayin at iba pang katutubong alpabeto sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan. (K12 Academics. n.d.)
Nang sa pagdating ng mga kastila dito nagsimula ang pormal na edukasyon sa Pilipinas, ipinakilala ng mga Espanyol at pinangasiwaan ng mga orden ng simbahan.
Matapos matutunan ang mga katutubong wika at sistema ng pagsulat, sinimulan nilang ituro ang Kristiyanismo, wikang Espanyol, at kulturang Espanyol. Itinatag din nila ang mga unang paaralan at unibersidad noong ika-16 na siglo. (K12 Academics. n.d.). Itinatag nila ang mga unang paaralan para sa mga lalaki at babae, gayundin ang mga unibersidad tulad ng University of Santo Tomas.
Bagama’t limitado lamang sa mga piling uri ang edukasyon, ito ang naglatag ng pundasyon ng sistemang pang-edukasyon na umunlad sa mga sumunod na panahon.
Naging iba ang diskarte dito, Itinuturing ng mga Amerikano ang edukasyon bilang daan sa paghahanda ng mga Pilipino sa sariling pamahalaan. Ipinatupad nila ang libreng pampublikong edukasyon, ginamit ang wikang Ingles, at nagpadala ng mga pensionados upang mag-aral sa Amerika.
Noong pananakop ng mga Hapon, ginamit ang edukasyon sa propaganda at itinuro ang wikang Nippon-go. Pagkatapos ng kalayaan noong 1946, nakatuon ang edukasyon sa paghubog ng mamamayan at kaunlaran ng bansa.(Campos, 2023)
Sa Pilipinas ang kasalukuyang kalagayan ng edukasyon ay maraming kinakaharap na hamon dahil sa pandemya (COVID-19) noong 2019, matinding init o ulan ng panahon, at kakulangan sa silid-aralan.
Ang mga pangunahing hamon na naranasan ng mga guro sa panahon ng pandemya ay ang kakulangan ng partisipasyon at pakikilahok ng mga mag-aaral (o ng suporta ng mga magulang), kawalan ng access ng ilan sa teknolohiya, pangamba sa kalagayan ng mga mag-aaral, kawalan ng harapang interaksiyon, kawalan ng balanse sa trabaho at personal na buhay, at ang pagkatuto ng paggamit ng mga bagong teknolohiya. (An, Y., Kaplan-Rakowski, R., Yang, J. et al. 2021).
At noong 2022, ipinag-utos ng DepEd na ibalik ang limang araw na harapang klase bawat linggo kahit kulang ng humigit-kumulang 40,000 silid-aralan ang mga pampublikong paaralan. Bilang tugon, ipinatupad ang class shifting at pagtatayo ng pansamantalang silid.
Isinasaalang-alang din ng DepEd na gawing permanente ang blended learning, lalo na sa mga paaralang naapektuhan ng matinding init at iba pang suliranin (DepEd, 2023)
Patuloy ang paghahanap ng mga iskolar sa isang pilosopiyang Pilipino ng edukasyon na tunay na kumakatawan sa pagkakakilanlan ng bansa.
Bagaman malaki ang impluwensiyang banyaga, nananatiling layunin ng edukasyon na hubugin ang mga mamamayang makabayan, makatao, at makakultura, ayon sa pananaw ng Filipinolohiya. (Adarlo, G.M, 2022)
https://www.k12academics.com/education%20worldwide/education%20in%20the%20philippines /history-education-philippines https://www.researchgate.net/publication/370818329_A_Glimpse_of_the_Past_and_the_Presen t_A_Generic_Review_of_the_Philippine_Educational_System_and_the_K12_Curriculum_Imple mentation https://www.researchgate.net/publication/352803510_Examining_K-12_teachers'_feelings_expe riences_and_perspectives_regarding_online_teaching_during_the_early_stage_of_the_COVID19_pandemic https://www.philstar.com/headlines/2023/07/11/2280321/deped-says-blended-learning-be-institut ionalized https://archium.ateneo.edu/hs-faculty-pubs/27