Sa mga suliraning ito, noong taong 2013, pinatupad ng pamahalaan ang Republic Act No. 10361 na may layunin protektahan ang kapakanan ng mga kasambahay, tinatawag din itong “Batas Kasambahay”. Kabilang sa iba’t ibang patakaran na pinatupad ng Batas Kasambahay ay ang pagkakaroon ng mga rest hours at rest days, social security benefits, at karapatan sa isang ligtas na trabaho malaya sa anumang uri ng pang-aabuso.
Ngunit, ayon rin sa pinakitang survey ng DOLE, ang mga resulta nito ay nagpapakita na ang pagpapatupad ng batas na ito ay hindi isang tagumpay. Maraming din patakaran sa ilalim ng batas ay hindi sinisundan ng mga employer. Sa taong 2020, pitong taon pagkatapos ng pag-papatupad ng Batas Kasambahay, 83% ng mga domestic workers sa Pilipinas ay hindi pa nakarehistro sa anumang social security benefits tulad ng SSS o Philhealth, at 36% ay nagtratrabaho ng 7 araw kada linggo, na walang araw para sa pahinga. Panghuli, 41% lamang ng mga domestic worker ang nakakaalam sa Batas Kasambahay, pinapakita nito ang kanilang mababang kamalayan tungkol sa kanilang mga kasalukuyang karapatan at pribilehiyo.