Kami ay isang youth-led nonprofit organization, binubuo ng mga mag-aaral na nagsasama-sama at nagtutulungan para sa iisang layunin na baguhin ang ating lipunan upang mabigyan ng boses ang lahat ng mamamayan, partikular ang ating mga kasambahay.
Siguraduhin natin na ang lahat ng ating gagawin ay para sa isang mas mabuting at mapayapang komunidad para sa ating lahat. Priyoridad namin na ang lahat ng mga kasambahay ay tratuhin nang may paggalang, bilang kapwa sa trabaho at bilang tao. Gagamitin namin ang aming plataporma at proyekto sa pagpapalaganap ng tamang kaalaman sa mamamayan ng ating bansa, lalong lalo na sa mga kasambahay. Sisikapin namin labanan at protektahan ang mga kasambahay mula sa kasalukuyang pakikibaka na kanilang kinakaharap. Gagawin namin ito para sa isang lipunang may pantay na katarungan at paggalang sa lahat.
Mula sa 9-Cotabato City ng Elizabeth Seton School las Pinas Campus (SY: 22-23)
Johan Enzo Cruz
- Leader, Website Main Contributor
Kalleah Velasquez
- Social Media Main Contributor
Kyle Alnajes
- Layout and General Design
Andi Gillego
- Social Media, Layout and General Design
Draven Victorio