Ang Kabihasnan ng Tsina ay isa sa mga mayamang kasaysayan sa Asya. Ang mga Dinastiya ang naging pangunahing pinagmulan ng mga ambag at pagbabago.
Ang ilog Huang He ay kilala bilang "Ina ng Sibilisasyon" ng Tsina. Dito nagmula at umunlad ang iba't-ibang dinastiya sa Tsina. Ito ang pangalawang pinakamahabang ilog sa Tsina at pang-anim sa mundo.
May tinatalang 83 dinastiya ang namahala sa Tsina. Ang Zhou bilang pinakamahabang dinastiya at ang Qin bilang pinakamaikling dinastiya. Ang mga dinastiya ay pinamumunuan ng mga Emperor.
Ang Emperor ay pinapaniwalaang galing mula sa langit o "mandate from heaven". Dahil dito, kagalang-galang at makapangyarihan ang tingin ng mga sakop nito sakanila.
Ang papel na ito ay gawa mula sa dahon ng Mulberry. Ito ang isa sa mga sinaunang papel na ginagamit ng mga tagasulat ng kasaysayan lalo na ang mga sinasabi at ipinapagawa ng emperor.
Ito ang paraan ng mga emperor upang malaman ang mangyayari sa hinaharap. Dito nakasulat ang kanilang mga katanungan at mga posibilidad na kasagutan.
Ang Pilosopiya ay malaking parte ng kabihasnang Tsina. Ito ay nakaimpluwensiya sakanilang siyensya, agham, pamahalaan, at sining.
Ang Confucianism, Taoism, at Buddhism ang tatlong pangunahing pilosopiya sa Tsina.
Ang "Great Wall of China" ay ipinatayo ni Qin Shi Huang ang tinaguriang unang emperor ng Tsina, ito ay ipinatayo upang maging panangga sa mga nais pumasok at sakupin ang Tsina.
Ang Silk Road ang naging daan pangkalakalan ng mga Tsino sa Asya hanggang Europa. Naging malaki ang impluwensiya ng Tsina sa iba't-ibang parte ng Asya dahil sa rutang naipatayo.
BALIKAN NATIN!
Para sa karagdagang impormasyon, panuorin ang maikling presentasyon na ito ukol sa natatanging ambag ng Kabihasnan ng Tsina ang mga Terracota Warriors!