Isa ang pagsulat ng mga akda sa mga hilig kong gawain. Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ako ng katapangan na ipahayag ang mga damdamin, opinyon, at saloobin na hindi ko kayang sabihin nang tuwiran. Bilang isang mag-aaral at isang mamamayang may adhikain na gumawa ng pagbabago sa ating lipunan, isinulat ko ang mga akdang ito upang ipakita sa mga Pilipino ang aking pananaw sa mga isyung panlipunan at personal na laganap pa rin sa kasalukuyan. Sa pamamagitan ng mga akdang ito, ninanais kong gisingin ang mga puso at imulat ang mga mata ng mga tao upang magkaroon ng inisyatibong tumulong sa ating bayan. Naniniwala ako na ang isang munting gawain ay nagdudulot ng malaking epekto sa lipunan. Ngunit sa kabila nito, ang mga tula ay maaaring hatiin sa iba't ibang kategorya tulad ng:
Tula ng pag-ibig
Tulang panlipunan
Tula ukol sa mumunting bagay
Tula ukol sa mga okasyon
Tula ukol sa buhay at problema
Tulang eksperimental/"avant-garde"
Tulang pangkatuwaan
Kaya't ano pang hinihintay niyo, maligayang pagbabasa, kaibigan!
(Version 5: ika-13 ng Disyembre 2024)