The freshest camping farm in the peak of the city
Magandang araw! Ako si James, ang farm owner ng James Peak Antipolo Camping Farm. Tara na sa James Peak Antipolo Camping Farm, ang camping farm na malapit sa Manila, overlooking almost 360° view, beautiful sunset, beautiful city lights at night, beautiful skyline, mountain view, and fresh air from the mountain.
Ang lugar kung saan matitikman ang mga organic vegetables, fresh fruits and livestock with a concept of "Pitas Mo Bili Mo, Pitas Mo Paluto Mo" o Pick and Pay.
Ang concept na camping farm ay upang ma-promote ang organic farming, matikman ang aming organics products fresh from the farm, at makahikayat ng mga mamimili mula sa aming farm.
Bilang mga DAR CARP beneficiary ay pinagyayaman namin ang aming mga lupa para sa pagtatanim, pag-aalaga ng mga hayop, at pagpapalaganap ng organic farming.
Nais din naming maging Agri-tourism o tourist spot ang aming lugar upang ipakita ang ganda ng James Peak Antipolo Camping Farm.
Ang aming adbukasiya ay ang pagpapatuloy ng pagsasaka, pagpapahalaga sa agrikultura, pagpapahalaga sa kalikasan, at pagpapahalaga sa tao—pagpapakita sa mga mag-aaral, kabataan, at mamayan ng kalahagahan ng pagsasaka at pagtatanim na gamit ang organikong pamamamaraan.
Simula noong 1996, ang aming pamilya ay simulang nagsaka sa lupain na ang pangalan ngayon ay James Peak Antipolo.
Maraming laban ang aming pinagdaanan kasama ang Sandiwa ng Magsasaka na ngayon ay Sandiwa ng Maagay Inc.
Hanggang dumating ang December 2019, sa tulong ng Department of Agrarian Reform, ay nagkaroon ng katuparan ang aming mga pangarap bilang mga magsasaka dahil sa pagbibigay nila ng titulo sa aming mga lupang sinasaka.
Dahil sa aming pagtatanim at ganda ng lugar ay ginawa namin itong Agri-tourism site upang ipakita sa mga kabataan at mamayan ang kahalagan ng Agrikultura at Kalikasan, hanggang sa nabuo namin ang concept na "Pitas mo, bili mo" at "Pitas mo, paluto mo" o pick and pay sa mga agriculture products namin.
Dahil sa pagpapahalaga sa pagsasaka, kalikasan, at sa tao, kami ay nag-organic farming. Ito ay aming pinapalaganap sa pamamagitan ng pagpapakita sa aming farm sa mga mag-aaral, kabataan, at mamayan ang kahalagahan ng pagsaska at organikong pagsasaka.
Mula sa aking lolo na si Honorato Pasculado at sa aming mga magulang ay pinagpapatuloy namin ang pagsasaka.
Logo created by Ali Adolfo, Lowel Correo, Patch Matutina, Yaby Soyangco, Mei Tagasa, & Tristan Talon. Website developed by Sancho De Leon, Han Go, Daniel Medado, Arjay Quisumbing, Albert Santos, Julian Benedict Santos, & Lance Tan.