Sa layuning mapalakas ang ugnayan at makapagbigay ng patuloy na impormasyon sa ating mga kababayan, ang Sangguniang Kabataan ng Bawa ay nagpapahayag ng paglulunsad ng opisyal na pahayagan nito. Ang nasabing pahayagan ay maglilingkod bilang isang daan upang maiparating sa ating mga kababayan ang mga kaganapan, proyekto, at iba pang mahahalagang impormasyon kaugnay sa ating barangay.
Bilang bahagi ng aming layunin na maging transparente at aktibo sa aming komunidad, ang pahayagang ito ay lalabas kada tatlong buwan upang ibahagi ang mga nagawa, mga plano, at mga proyektong inilunsad ng Sangguniang Kabataan. Sa pamamagitan nito, inaanyayahan namin ang lahat na makiisa at magbahagi ng kanilang mga puna, katanungan, at suhestiyon upang patuloy na mapabuti ang serbisyong aming maibibigay sa inyo.