Human Rights Defenders tumitindig para kay VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan
#HRvote2022
Human Rights Defenders tumitindig para kay VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan
#HRvote2022
Kaming mga nagsama-samang human rights defenders ay nagpapahayag ng suporta sa kandidatura nina VP Ma. Leonor “Leni” Gerona Robredo para sa pagkapangulo at Senator Francis "Kiko" Pangilinan para sa pangalawang pagkapangulo ngayong Halalan 2022.
Malaki ang hamon na dala ng paparating na eleksyon sa ating bayan. Sa loob ng anim na taon sa ilalim ng administrasyong Duterte, malubha ang paglabag nito sa karapatan ng mamamayan, mula sa madugong gyera kontra droga, marahas na pagpapatahimik sa mga kritiko at opposition, hanggang sa militaristang pagtugon sa pandemya
Ang pag atake laban sa mga tumututol sa patakaran ng gobyerno, laban sa mga nagtatanggol sa kanilang karapatan, miyembro ng media, mga kababaihan at mga kabataang unti-unting tumitindig at nagsasalita, ay sinabayan ng pamamayagpag ng kasinungalingan, pagyurak sa rule of law, pagsasantabi sa checks at balances sa gobyerno at paninira sa integridad ng serbisyo publiko. Nalugmok ang ating bayan sa pananakot, pag aalipusta, pangungurakot, at pagwawalang bahala ni Duterte sa paghihikahos ng mga Pilipino.
Simula nung payagan ni Pangulong Duterte ang pagpapalibing sa yumaong diktador na si Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani, lalong umigting ang pagbabaluktot sa malagim na kasaysayan ng Martial Law sa ating bansa. Lumaki ang pagkakataon para sa mga Marcos na makabalik sa kapangyarihan, at ipagpatuloy ang madugong pamamahala sa ilalim batas militar, pandarambong, at malawakang katiwalian sa Pilipinas.
Kami ay mga tagapagtanggol ng karapatang pantao. Ang karapatang pantao ang sandigan ng buhay na may DIGNIDAD para sa lahat. Kagyat itong salungat sa pamamahalang ipinamalas ni Duterte at ng diktadurya ni Marcos. Ang pamumunong may lubos na paggalang sa karapatang pantao ang tunay na makakapag angat sa lahat, mula sa kahirapan, karahasan, kagutuman at katiwalian.
Sumasang ayon kami sa plataporma ng tapat na gobyerno, may pananagutan, at totoong may malasakit sa mamamayan, lalo na sa gitna ng pandemyang nananalasa sa ating bayan. Sumusuporta kami sa layunin nina VP Leni at Sen. Kiko na ipatupad ang katarungang panlipunan upang tugunan ang di pagkakapantay pantay at iahon ang mga nasa laylayan. Higit sa lahat nakatindig kami sa lideratrong wawakasan ang tahasang paglabag sa karapatang pantao, ang marahas na pamamahala, ang malawakang pamamaslang, at magbibigay proteksyon sa libo libong nagtatanggol ng karapatan ng mamamayan sa kabuhayan, kalikasan at kapayapaan.
Sa mga komunidad na nasalanta, sa mga biktima ng karahasan, sa mga napag iiwanan, ipinakita nina VP Leni at Sen. Kiko ang kanilang husay at malasakit; nakapagbigay siya ng kongkretong tulong at nakapanghimok ng solusyon mula sa sama samang paglahok ng mga nasa apektadong komunidad mismo. Ito ang pamumunong nagbibigay pag asa sa amin tungo sa pagbabago para sa lahat.
Kaya buo ang aming loob na bigyan ng pagkakataon ang pag-asa ngayong darating na Halalan 2022. Buo ang aming suporta bilang mga tagapagtanggol ng karapatang pantao sa kandidatong may paninindigan para sa karapatang pantao.
Let Leni & Kiko Lead.
Ipanalo ang Karapatang Pantao.
SIGNED:
Vicky Tauli Corpuz
Wigberto “Ka Bobby” Tañada Sr.
Lorenzo "Erin" Tañada III
Wigberto “Toby” Tañada Jr.
Aida Santos
Fr. Edwin Gariguez
Edna Aquino
Myrna Duyan
Mercedita Suetos
Rose Trajano
Joaquin Alano
El Latinaso
Manuel " ka Maning" Rosario
Nestor Diego
Ray Paolo Santiago
Pablo Rosales
Jhay de Jesus
Jayneca Reyes
Yuen Abana
Renee Karunungan
Anelyn de Luna
Edeliza P. Hernandez
Ivan Garrote
Amarylis Abcede
Niza Concepcion
Edgar Bagasol Jr.
Maribeth Nucup
Karl Arvin Hapal
Norika Ishikawa
Rea Foliente
Myrna Dominguez
Mary Roxan Saluria
Karl Scguevarra
Jennifer L. Martinez
John Emil Maristela
Rosal Revaldo
Tony Salvador
Beckie Malay
Rowena Legaspi
Lotlot Dela Cruz
Jose Revaldo
Nathaniel Blancaflor
Shania Cara M. Lising
Moc Avellanoza
Derek Cabe
Hanna Mae Napao
Joshua B. Valerio
Cherry Mendoza
Franzine Glorie Tampus
Judy A. Pasimio
Leonora S. Lava
Eugene Orejas
Joseph Purugganan
Jennevie Cornelio
Aurora A. Broquil
Linda D. Gobrin
Ryzola Montes
Susan Macabuag
Jade Leung
Jaybee Garganera
Andrew Palangdao
Tony Abuso
Shirley Alda
Eribert Padilla
Al Alegre
Cecilia Ochoa
Rhodora Abano
Louie Parungao
Tessam Castillo
Ellene Sana
Memen Lauzon-Gatmaytan
Benjamin V. Sumog-oy
Marivic Enoval
Rene C. Pamplona
Malu A. Mendoza
Pamela Camacho
Rodne R. Galicha
Rose Perez
Jackie Pescante
Brylle Tambilawan
Loi Alian Cabaluna
Primo E. Amparo
Eric Santos
Ronally Dela Mata
Josephine Perez
Elena Liwayway Y. Baskiñas
Mark P. Solo III
Marlon Pareja
Amante Crisostomo
Norly Mercado
Chuck Baclagon
Jessica Cantos
Edgardo Legaspi
Isabelita B. Solamo
Michael Ibanez
Nanette Castillo
Josua Mata
Omi Royandoyan
Dinna Umengan
Niva Gonzales
Maya Bans Cortina
Helen Estrada
Edgar Cruz
Louie Crismo
Josephine Lascano
Erwin Francis M. Gaerlan
Jesusa Dela Cruz
Virginia Lacsa-Suarez
Jelen Paclarin
Cristina Palabay
Elisa Tita Lubi
Lisa Garcia
Elizabeth Ibañez
Ritz Lee B. Santos III
Alvin John Neyra
Ritchille Abucejo
Kaloy A. Anasarias
Mario Bacho
Marcelino De Dios
Lariza Gabad
Janalyn Palomique
Leo Mendoza Jr.
Bernardo Itucal Jr.
Elisha Medina
Cecile Gaa
Buboy Mendoza
Jing Rey Henderson
Noel A. Camingal
Shar Balagtas
Em Montales
Rebecca Lozada
Vincent Lazatin
Juancho Reyes
*Patuloy pong tumatanggap ng karagdagang lagda ang nagkakaisang pahayag na ito mula sa mga human rights defenders. Maaari kayong mag-sign up sa ating form sa ibaba o makipag-ugnayan sa Human Rights Vote 2022 (#HRvote2022) - hrvoteph@gmail.com | hrvoteph@protonmail.com
FACEBOOK: https://www.facebook.com/HRvotePH TWITTER: https://twitter.com/hrvoteph