Ang bagyo ay isa sa mga natural na panganib na karaniwang dinaranas ng mga bansa na nasa mga tropical at sub-tropical na rehiyon, kabilang ang Pilipinas. Ito ay isang malakas at makapangyarihang pag-ulan na may kasamang malakas na hangin at maaaring magdulot ng malawakang pinsala sa mga ari-arian at kalikasan. Ang salitang “bagyo” ay nagmula sa Malay na salitang "bādai," na ang ibig sabihin ay 'hangin". Ito ay isang meteorolohikal na kaganapan kung saan ang mainit na hangin sa ibabaw ng karagatan ay nagiging sanhi ng pagbuo ng malalakas na alon. Sa proseso na ito, ang init ng karagatan ay itina-transfer sa hangin, nagiging sanhi ng pag-angat ng mainit na hangin patungo sa itaas. Ang malamig na hangin naman sa itaas ay bumababa, bumubuo ng isang sirkulasyon ng hangin. Ito ang tinatawag na "cyclone" o "low-pressure area".
Bago ang Bagyo:
Manatiling nakabantay sa mga ulat ng panahon.
Gumawa ng Emergency Plan, kasama ang mga ruta.
Maghanda ng Emergency Kit.
Ayusin at siguraduhing maayos ang mga parte ng bahay
Habang may bagyo:
Manatiling kalmado at manatili sa isang ligtas na lugar .
Iwasan ang mga lugar na binaha at huwag maglakad o magmaneho sa mga baha.
Patuloy na makinig sa mga ulat sa panahon at mga update mula sa lokal na awtoridad.
Magkaroon ng battery-operated radio at tiyaking naka-charge ang iyong telepono para makatanggap ng mga emergency alert.
Pagkatapos ng Bagyo:
Makinig sa mga awtoridad para sa mga update ukol sa kaligtasan at mga pagsisikap sa pagbawi.
Lumayo sa mga binahang daan, mga nakadapo na linya ng kuryente, at mga hindi matatag na estruktura.
Kapag ligtas na, suriin ang iyong ari-arian para sa pinsala at kunan ito ng litrato para sa insurance claims.
Ireport ang mga panganib, tulad ng mga leak ng gas o mga nakarating na linya ng kuryente, sa mga awtoridad. Makipag-ugnayan sa mga awtoridad o mga relief organization kung kinakailangan.
Ang baha ay labis na pag-apaw ng tubig o isang paglawak ng tubig na natatakpan ang lupa, at isang delubyo. Sanhi nito ang ulang rumaragasa o bumubugso. Maaari rin itong padagsang pagtambak ng napakaraming bagay sa isang lugar. Naging katumbas din ito ng gunaw o pagkagunaw sa ibang diwa. Sa katulad na kaisipan ng "dumadaloy na tubig", nilalapat ang salita sa paloob na daloy ng pagkati, salungat sa palabas na pagdaloy.
Bago ang Baha: Paghahanda ang Pinakamahalaga
Maghanda ng Emergency Kit at Emergency Plan
Ayusin at siguraduhing patibay ang haligi ng tahanan pati ang mga ari-arian.
Habang may Baha: Kaligtasan Muna
Agad na kumilos kapag nakatanggap ng flood alert; maaaring lumipat sa mas mataas na lugar.
Pagkatapos ng Baha
Linis ang paligid at siguraduhin walang natitirang tubig ulan upang maiwasan ang iba't ibang uri ng sakit.
Sanggunian:
Sanaysay. (2024, June 2). Ano ang Bagyo? Mga Halimbawa at Kahulugan. Sanaysay Philippines.
https://www.sanaysay.ph/ano-ang-bagyo/
Smart Parenting. (2024, May 26). Mga dapat ihanda at suriin sa bahay tuwing may bagyo. Smart Parenting.
Weather Ni Juan. (2024b, February 23). Mga dapat gawin bago, habang at pagkatapos ng Bagyo | Weather ni Juan [Video].
YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=5MP0TxfEWyA
Contributors to Wikimedia projects. (2022b, October 4). Baha. Wikipedia, Ang Malayang Ensiklopedya.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Baha
Pagiging Handa sa Baha: Paghahanda, Pagtugon, at Pagbangon gamit ang IRISEUP – I RISE UP. (n.d.).
https://iriseup.ph/pagiging-handa-sa-baha-paghahanda-pagtugon-at-pagbangon-gamit-ang-iriseup/
SAFE STEPS. (2015, March 6). SAFE STEPS: Baha [Video].
YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=1b42f2cBPVs