Sa araling ito, sasagutan ninyo ang dalawang pagtataya na siyang susukat sa inyong kaalaman. Sa tulong ng tatlong bidyo na nakalagay sa ibabahang bahagi, panoorin ito at isulat ang mga bagay na mahalaga at makatutulong sa iyong pag-aaral. Para sa linggong ito, inaasahan kayong makagawa ng isang tiktok video na maglalaman ng problema, impormasyon at solusyon batay sa isyu na inyong napili. Isumite ang bidyo sa ating Facebook group.
Nakababahala ang panahon natin sa ngayon. Maraming isyu, hamon, at suliraning kinakaharap ang ating bansa. May mga pangyayaring hindi natin inaasahan.Sa pamamagitan ng modyul na ito, inaasahang iyong matatanto ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu.
TASK 1
TIKTOK: ISYU MO, ICOSPLAY MO!
Sa loob ng isang minuto, kinakailangang maiparating niyo na ang paksang inyong nais ipaalam sa lipunan. Maging malikhain sa paggawa nang inyong costume na may koneksyon sa ideyang inyong napili. Maaaring pumili sa mga isyung nasa ibaba;
1. Kontemporaryong isyung Panlipunan
2. Kontemporaryong isyung Pangkalusugan
3. Kontemporaryong isyung Pangkapaligiran
4. Kontemporaryong isyung Pangkalakalan.
Ang Tiktok video ay maglalaman ng problema, impormasyon at solusyon batay sa isyu. Inaanyayahan ang paggamit ng iba’t ibang effects at music upang maging mas angkop ang pagkakapresenta. Ang inyong magiging kasuotan ay dapat naaayon sa isyung napili.
Gamit ang inyong Facebook account, iupload ito sa inyong day sa loob nang 24 na oras. Iscreenshot ang mga naging reaksyon at komento nang mga nakapanuod. Mag iwan ng mensahe sa reaksyon at komento sa Facebook Page: Grade 10 - Mga Kontemporaryong Isyu
https://www.facebook.com/Grade-10-Mga-Kontemporaryong-Isyu-102252108749410/
1. Kontemporaryong isyung Panlipunan
a) Halalan
b) Terorismo
c) Rasismo
2. Kontemporaryong isyung Pangkalusugan
a) Sobrang Katabaan
b) Kanser
c) HIV/AIDS
d) Adiksyon sa Droga
3. Kontemporaryong isyung Pangkapaligiran
a) Global Warming
b) Earthquake
c) Typhoon
d) Pollution
4. Kontemporaryong isyung Pangkalakalan
a) Export/Import
b) Online Shopping
c) Free Trade
d) Samahang Pandaigdigan
Para sa karagdagang kaalaman, maaaring basahin at panuorin ang mga link na nasa ibabang bahagi.
Narito ang pamantayan sa inyong Task 1: Tiktok Video. Kayo ay bibigyan ng marka batay sa pamantayang ito.
Ngayon ay may sapat ka nang kaalaman at pag-unawa tungkol sa mga konsepto ng kontemporaryong isyu pati na rin ang kahalagahan nito sa iyo bilang isang mag-aaral. Maaari ka nang tumungo sa susunod na aralin upang mapalalim at mapalawak pa ang iyong kaalaman. Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang modyul 1.