Please click arrow down to reveal the answer.
Ano ang Provident Fund?
Ang Provident Fund ay isang ‘saving scheme’ mula sa kontribusyon ng Empleyado at ng Kompanya. Ang naipong pondo ay ginagamit bilang pasilidad sa pagpapahiram o iba pang karagdagang benepisyo para sa kapakanan ng mga empleyado.
Sa organisasyon tulad ng Armed Forces of the Philippines, ang mga empleyado ay hindi nagbibigay ng kontribusyon. Sa halip, ang pondo nito ay nagmumula sa ‘service fee’ o 0.5% ng loan na ibinabayad ng mga Financial Institution.
Mayroong apat (4) na Provident Fund sa AFP, Philippine Army Provident Fund, Philippine Navy Provident Fund, Philippine Air Force Provident Fund at GHQ Provident Fund. Bawat isa ay may nasasaklaw na AFP Personnel na maari lamang serbisyuhan.
Ano ang GHQ Provident Fund?
Ang GHQ Provident Fund ay binuo upang magbigay ng pinansyal na pagtulong sa pamamagitan ng pagpapahiram ng pera sa mababang interest sa lahat ng aktibong sundalo and regular na Civilian Human Resource na naka-assign sa General Headquarters (GHQ), Unified Commands (UCs), at AFP Wide Support and Separate Units (AFPWSSUs) at lahat ng kabilang sa Technical Administrative Services.
Ano ang aking kailangan gawin upang ako ay maging miyembro ng GHQ Provident Fund?
Wala. Ang GHQ Provident Fund ay walang membership at hindi ito katulad ng ibang Financial Institution o Association na kailangang maging miyembro upang makahiram. Ang kailangan lamang ay ma-satisfy ang mga sumusunod:
a) Base kung saan ka naka-assign na opisina
Ang Military Personnel at Regular na Civilian Human Resource ay naka-assign o Detached Service (DS) sa General Headquarters (GHQ), Unified Commands (UCs), at AFP Wide Support and Separate Units (AFPWSSUs). Ito ay maliban sa mga Technical Administrative Service kung saan hindi mahalaga kung saang opisina/unit naka- assign.
b). Base sa ilang taon na nagseserbisyo sa AFP
Ang manghihiram ay dapat na nagserbisyo ng hindi bababa sa isang (1) taon.
Ako ay Army Personnel na dating nakahiram sa GHQPF nung ako ay naka-assign pa sa GHQ ngunit ngayon ay naka-assign na sa Major Service, ako ba ay maaari pang mag-loan sa GHQ Provident Fund?
Hindi. Maari lamang kayo makahiram muli kung kayo ay ma-aasign ulit sa GHQ, UCs, o AFPWSSUs. Anumang kasakalukuyang hiniram ay tatapusin na lamang na mabayaran.
Ang mga Major Service ay mayroon ding sariling Provident Fund na maaring makapagbigay serbisyo sa inyong pinansiyal na pangangailangan.
Tanging ang mga Technical Administrative Personnel lamang ang maaring makahiram kahit sya ay hindi na nka-assign sa GHQ, UCs, o AFPWSSUs.
Ako ay nakahiram noon at kasakalukuyan itong binabayaran, ako ba ay maaari pang magdadagdag ng halagang hihiramin?
Oo. Ang halagang maaring hiramin ay mula PhP5,000.00 hanggang PhP600,000.00. Ito ay maaaring mahiram sa isang aplikasyon o kombinasyon ng mga iba’t-ibang uri ng loan.
Maaari ba akong manghiram ng Salary Loan?
Hindi. Ang uri lamang na loan na ipinapihiram ng GHQPF ay ang mga sumusunod:
Educational
Hospitalization
Housing Loan
Emergency Loan
Maaari bang hindi ipabawas sa aking sahod at mag-issue na lamang ng post-dated check bilang kabayaran sa loan?
Hindi. Sa ngayon, ang tanging aprubadong mode of payment ay sa papamagitan ng automatic deduction sa mga sahod.
Ako ay naka-isang taon na nagseserbisyo sa AFP bilang sundalo, magkano ang halaga na aking maaring hiramin?
PhP100,000.00 kung ikaw ay Military Personnel at PhP50,000.00* kung ikaw ay regular na Civilian Human Resource. Ito ay maaring bayaran sa loob lamang ng isang (1) taon.
Ang mga AFP Personnel na higit sa tatlong (3) taon na ay maaring manghiram ng higit hanggang sa maximum loanable amount na PhP600,000.00 na maaring bayaran sa loob ng tatlong (3) taon.
Ako ay nag-serbisyo na ng dalawang (2) taon sa AFP bilang regular Civilian Human Resource at naka-isang taon na serbisyo bilang Military. Ako ba ay maari na mag-loan ng maximum na loanable amount?
Hindi. Ang bilang ng taon sa serbisyo bilang Civilian Human Resource ay hindi na maikokonsidera dahil sap ag-apply ng commutation of leave. Sa halip, ang bilang na ng tagal sa serbisyo ay mula na sa date ng serbisyo bilang military na.
Ang maaari lamang na hiramin ay PhP100,000.00 na dapat bayaran sa loob lamang ng isang (1) taon.
Ako ay may kasalukuyang loan na may term na 24 months. Ako ay nakakapagbayad na ng 10 months, maaari ko na ba itong i-renew?
Hindi. Ang loan ay maari lamang i-renew kung ito ay nabayaran na ang kalahati ng kabuuang halaga ng pagkakautang.
Sa halip, maaari mag-avail ng additional loan kung ito ay kaya pa ng inyong paying capacity.
Maaari bang isama ang aking Combat Pay sa ‘loanable amount’ o halagang maaaring i-loan?
Hindi. Ang mga Combat Pay, Fly Pay, Hazardous Pay, Instructor's Duty Pay, Perpetual Sea Duty Pay at iba pang collateral pay ay hindi maaaring i-loan.
Ang Authorized Net Pay ay PhP15,000 (kasama ang Subsistence Allowance) para sa mga Military at PhP5,500.00 para sa mga regular na CivHR.