Ngayong 2025, ipinagdiriwang natin ang isang makasaysayang yugto sa LANDBANK— ang kauna-unahang Gawad TANYAG (Tanging Yaman at Galing), isang prestihiyosong programa ng pagkilala na nagbibigay-pugay sa mga natatanging kliyente ng LANDBANK mula sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Nagmumula sa nakaraang mga programa ng LANDBANK, itinatampok ng Gawad TANYAG ang mga kwento ng tagumpay, inobasyon, at lakas ng loob— mga kliyenteng naging katuwang natin sa pagtataguyod ng pag-unlad at pag-angat ng bayan, na sumasalamin sa misyon ng LANDBANK: Empowering Filipinos for a Better Future.
Higit pa sa isang parangal, ipinagpupugay ng Gawad TANYAG ang ating mga bayaning walang tigil na nagbibigay ng oportunidad, sa mga nagsusulong ng pag-unlad, at inklusibong progreso para sa bansa.
Sa pagsisimula nitong pagdiriwang, buong dangal na kinikilala ng LANDBANK ang mga lider at huwaran na nagbibigay pag-asa at inspirasyon tungo sa isang mas maliwanag at mas inklusibong Pilipinas.
Gawad PITAK
Pagkilala sa mga natatanging kooperatiba na nangunguna sa pagpapalago at pagtulong sa komunidad.
Pagpupugay sa mga magsasaka na ang dedikasyon at inobasyon ay nagpapasigla sa lupa at komunidad.
Pagpaparangal sa mga mangingisdang matatag at maalam, na pinapangalagaan ang kabuhayan at karagatan.
Pagdiriwang sa mga masisiglang micro, small, at medium enterprises na umaambag sa inobasyon at lokal na ekonomiya.
Pagkilala sa mga korporasyon at malalaking negosyo na nagsusulong ng pag-unlad at kagalingan.
Pagbibigay-liwanag sa mga institusyong pampinansyal na nagtataguyod ng inklusibong pag-unlad at serbisyo sa kanayunan.