SPS. Patrick Mark and Rosary Therese Guanzon
SPS. Patrick Mark and Rosary Therese Guanzon
Ang SPS Guanzon ay may-ari ng isang natatanging Total Station sa kahabaan ng NLEX na hindi lamang nagseserbisyo sa mga motorista, kundi nagbibigay rin ng hanapbuhay sa mga taga-Apalit, Pampanga. Sa tulong ng LANDBANK, nagsimula ang kanilang paglalakbay bilang isang negosyong may malasakit—nakatuon sa makakalikasang operasyon sa pamamagitan ng solar panels at waste water treatment, at may tunay na malasakit sa kapakanan ng kanilang mga empleyado. Sa kabila ng pandemya, nagpatuloy silang magbukas upang makapagsilbi at magbigay pag-asa sa komunidad.
“Hindi lang negosyo ang aming layunin—kundi ang sabay-sabay na pag-unlad ng aming mga empleyado, pamilya, at komunidad.” – Patrick Guazon