CJ's BukoHauz
CJ's BukoHauz
Mula sa maliit na buko stand sa gilid ng kalsada, pinatatag ng mag-asawang Latog ang CJ’s Buko Hauz and Aqua Farm bilang patok na farm-to-table restaurant at hatchery sa Sultan Kudarat. Katuwang ang LANDBANK, pinalawak nila ang negosyo na kilala ngayon sa natural na sangkap, zero-waste practices, at pagkalinga sa empleyado, lalo na sa IP communities.
“Galing sa bukid, direkta sa mesa—ang serbisyo namin ay tapat, sariwa, at para sa lahat.” – CJ’s Buko Hauz Statement