Big Ben Construction
Big Ben Construction
Itinatag noong 1992 nina mag-asawang Atty. Pacifico at Engr. Ma. Asuncion Eusebio, lumago ang Big Ben Construction mula sa maliliit na kontrata ng gobyerno patungo sa pagiging maaasahang contractor para sa malalaking kumpanya gaya ng NLEX at Robinsons Land. Sa pangalawang henerasyon ng pamamahala, isinusulong ng Big Ben ang sustainability, isinasabuhay ang circular economy at pagre-recycle upang mabawasan ang pagkuha ng bagong raw materials. Sa tulong ng LANDBANK, patuloy silang gumagawa para sa bayan, pinapatunayan na maaring pagsamahin ang negosyo at responsibilidad sa lipunan.
“We are transcending doon sa concept na we are working for profit.” – Benjamin Eusebio, Director at Corporate Treasurer