✨ Intergalacticly Good! ✨
The Best Hits in the Galaxy
Where The Best Music Comes
The Best Hits in the Galaxy
Where The Best Music Comes
Mas bagong mga ideya.
Mas magandang mga programa.
Mas makabuluhang mga mensahe.
Mas maraming musikang ating pagsasaluhan.
At higit sa lahat—isang bagong yugto para sa ating buong Galactic Hearts Radio family.
Apat na taon na tayong nagsasama-sama sa isang napakahabang paglalakbay sa ere! 🎙️📻🌠
Mula sa mga unang tugtugin, masasayang alaala, kwentuhan, programa, special broadcasts, at iba’t ibang kabanata ng ating istasyon—maraming salamat, mga Ka-Heartstronauts, sa patuloy na pakikinig, pagsuporta, at pagsama sa amin sa bawat paglalakbay. ❤️🚀
Hindi naging perpekto ang bawat kabanata. May mga pagbabago, pagsubok, pagkakamali, at mga pagkakataong kinailangan nating magsimula muli. Ngunit sa kabila ng lahat, patuloy tayong bumabalik sa ere dala ang isang simpleng layunin:
🎵 Maghatid ng musikang nagbibigay saya at good vibes.
📻 Maghatid ng mga programang may puso at saysay.
🙏 Magbahagi ng mensaheng nakaugat sa Salita ng Diyos.
🌌 At patuloy na bumuo ng isang komunidad na nagkakaisa sa musika at pananampalataya.
At ngayon, habang nagpapatuloy ang ating paglalakbay, isang mas pinaganda at mas pinabagong kabanata ang ating bubuksan sa ere!
Click Here for the Full History of Galactic Hearts Radio and how all it began