Evangelism
Faithful Witness Community Baptist Church of Binangonan Inc.
Faithful Witness Community Baptist Church of Binangonan Inc.
KUNG NGAYON ANG HULING ARAW MO SA LUPA SAAN KA PUPUNTA?
"Sapagkat hindi mo alam kung ano ang mangyayari bukas. Para saan ang buhay mo? Ito ay parang isang singaw na lumilitaw ng kaunting panahon at pagkatapos ay mawawala rin."
James 4:14
MAYROONG APAT NA KATOTOHANAN NA DAPAT NATING LUBOS NA MAINTINDIHAN:
1
MAHAL KA NG DIYOS
NAIS KA NIYANG MAGKAROON NG BUHAY NA WALANG HANGGAN SA LANGIT SA PILING NIYA.
"Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay Niya ang Kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan." Juan 3:16
NAIS KA NIYANG MAGKAROON NG MASAGANA AT MAKABULUHANG BUHAY KASAMA SIYA.
"Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, isang buhay na masagana at ganap." Juan 10:10
SA KABILA NITO, MARAMING TAO ANG HINDI NAKARARANAS NG MAKABULUHANG BUHAY AT HINDI NAKASISIGURO KUNG SILA'Y MAY BUHAY NA WALANG HANGGAN DAHIL...
2
LIKAS NA MAKASALANAN ANG TAO, KAYA'T NAWALAY SIYA SA DIYOS.
ANG LAHAT AY NAGKASALA.
"Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos." Roma 3:23
ANG KABAYARAN NG KASALANAN AY KAMATAYAN.
"Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan..." Roma 6:23
MAY TINUTUKOY NA DALAWANG URI NG KAMATAYAN ANG BIBLIYA:
PISIKAL NA KAMATAYAN
"Itinakda sa mga tao na sila'y minsang mamamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom." Mga Hebreo 9:27
ESPIRITUWAL NA KAMATAYAN O WALANG HANGGANG PAGKAWALAY SA DIYOS
"Subalit malagim ang kasasapitan ng mga duwag, ng mga taksil. ng mga nagpapasasa sa kasuklam-suklam na kahalayan, ng mga mamamatay-tao, ng mga nakikiapid, ng mga mangkukulam, ng mga sumasamba sa diyus-diyosan, at LAHAT NG MGA SINUNGALING. Ang magiging bahagi nila'y sa lawa ng nagliliyab na asupre. Ito ang pangalawang kamatayan." Pahayag 21:8
KUNG ANG TAO AY NAWALAY SA DIYOS DAHIL SA KANYANG KASALANAN, ANO ANG SOLUSYON SA PROBLEMA NIYANG ITO?
MADALAS NATING INIISIP NA ETO ANG MGA SOLUSYON:
RELIHIYON, MABUTING GAWA, KABUTIHANG ASAL. NGUNIT IISA LANG ANG SOLUSYON NA GALING SA DIYOS.
3
SI HESU-CRISTO LAMANG ANG TANGING DAAN PATUNGONG LANGIT.
ITO AY PAHAYAG NG DIYOS.
"Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan Ko." Juan 14:6
GANAP NIYANG BINAYARAN ANG KAPARUSAHAN NG IYONG MGA KASALANAN.
"Sapagkat si Cristo na walang kasalanan ay namatay nang minsan para sa inyo na mga makasalanan, upang iharap kayo sa Diyos...." 1 Pedro 3:18
MAY PANGAKO SIYANG BUHAY NA WALANG HANGGAN.
"Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan. Ngunit ang hindi sumusunod sa Anak ay hindi magkakaroon ng buhay. Sa halip, mananatili sa kanya ang poot ng Diyos." Juan 3:36
NGUNIT HINDI SAPAT NA MALAMAN LANG NATIN KUNG ANO ANG GINAWA NI HESU-CRISTO.
4
KAILANGAN NATING ILAGAY ANG ATING 4 PANANAMPALATAYA SA PANGINOONG HESU-CRISTO PARA TAYO'Y MALIGTAS.
ANG KALIGTASAN NATIN AY DAHIL SA KAGANDAHANG-LOOB NG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG PANANALIG KAY HESU-CRISTO.
"Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya: at ang kaligtasang ito'y kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman." Efeso 2:8-9
IPANALANGIN MO ITO NG MAY PANANAMPALATAYA:
PANGINOONG HESUS, MARAMING SALAMAT SA LABIS MONG PAGMAMAHAL SA AKIN. INAAMIN KONG AKO'Y MAKASALANAN AT IHINIHINGI KO ITO SA IYO NG KAPATAWARAN. SALAMAT SA IYONG PAGKAMATAY SA KRUS UPANG BAYARAN ANG LAHAT NG AKING KASALANAN. MAGMULA NGAYON, AKO'Y MAGTITIWALA SA IYO BILANG AKING PANGINOON AT TAGAPAGLIGTAS. TINATANGGAP KO ANG IYONG KALOOB NA BUHAY NA WALANG HANGGAN AT ISINUSUKO KO ANG BUHAY KO SA IYO. TULUNGAN MO AKONG SUMUNOD SA LAHAT NG IYONG UTOS AT MAGING NAKALULUGOD SA IYO. AMEN.
KUNG NAGTIWALA KA NA KAY HESU-CRISTO, NANGYARI NA SA IYO ANG MGA SUMUSUNOD:
"NGAYON, MAYROON KA NANG BUHAY NA WALANG HANGGAN KASAMA ANG DIYOS." JUAN 6:40
"ANG LAHAT NG KASALANAN MO AY BAYAD NA AT NAPATAWAD NA. (NOON, NGAYON, AT SA HINAHARAP)" COLOSAS 1:13-14
"IKAW AY BAGO NANG NILALANG SA PANINGIN NG DIYOS. SIMULA NA NG IYONG BAGONG BUHAY." 2 CORINTO 5:17
"IKAW AY NAGING ANAK NG DIYOS." JUAN 1:12