ARALIN BILANG 6
Faithful Witness Community Baptist Church of Binangonan Inc.
Faithful Witness Community Baptist Church of Binangonan Inc.
Pagdalo Sa Pananambahan
TALIBUKAS:
Ang isa sa pinakamahalagang tungkulin ng isang tunay na Kristiano ay ang matapat na pagdalo sa pananambahan.
I. ANG KAHALAGAHAN NG PAGDALO SA PANANAMBAHAN
A. Ang halimbawa ng Matandang Tipan ay hindi matatawaran.
Maging ang hayop ay pinatitigil kung araw ng Sabbath. (Exodo 20:10)
B. Ang pagsira ng Kautusan tungkol sa Sabbath ay pinarusahan. (Mga Bilang 15:32-36)
C. Ang pagsamba ng mga Kristiano ay ipinag-utos na huwag pababayaan.
Ang utos ay dumalo at mag-aral sa isa't-isa. (Hebreo 10:25)
Il. ANG TAMANG ARAW NG PANAMBAHAN
A. Ang araw ng Sabado ay ibinigay ng Dios na kautusan na ipangilin ng mga Israelita at mga mananampalataya sa Matandang Tipan. (Exodo 20:10; 34:21; Mga Bilang 15:32-36)
B. Ang araw ng Sabado ay tanda ng Dios sa mga Israelita lamang. (Exodo 31:13; 31:17)
C. Ang kautusan ay lilipas kapag ito ay natupad. (Mateo 5:17, 18; Lukas 21:32)
D. Ang kautusan ay hanggang kay Juan lamang. (Lukas 16:16)
E. Ang kautusan sa Matandang Tipan ay tinupad ng Panginoong Hesu-Kristo.
Samakatuwid, si Kristo ang kapunuan ng kautusan. (Galacia 4:4, 5; Efeso 2:15; Colosas 2: 16; Mateo 5: 17)
F. Magmula sa Batang Tipan, ang ibinigay ng Dios na araw ng pagtitipon at araw ng pagsamba ng mga mananampalataya ay araw ng Linggo o unang araw ng sanlinggo. (Mga Gawa 20:7; I Corinto 16:2)
G. Ang Sabbath kailanman ay hindi naging araw ng pagsamba ng mga Kristiano sa Bagong Tipan.
Kailanman ito ay hindi pinag-utos sa mga mananampalataya. (Mga Gawa 15:24)
III. ANG DAPAT GAWIN NG TUNAY NA MANANAMPALATAYA
A. Dapat tayong dumalo sa pananambahan ng buong katapatan. (Hebreo 10:25)
B. Ang mga tunay na mananampalataya ay hindi lamang dapat dumalo kung hindi dapat maging maaga at hindi huli. (Mga Awit 63:1)
C. Ang tunay na mananampalataya ay dapat lamang pumalya sa pagdalo kung sa palagay niya at sa gabay ng Banal na Espiritu, ang kanyang hindi pagdalo ay makaluluwalhati sa Dios. (I Corinto 10:31; Colosas 3:17)
TALIWAKAS:
Ang pagdalo sa mga pagsamba ay tanda ng isang tunay na Kristiano (Mateo 7:20).
Ang hindi pagdalo ay maihahalintulad sa isang pulubi na matapos mapagkalooban ng isang naglilimos ng anim na piso sa pitong pisong pera niya ay hinarang pa ito at pinatay ng pulubi upang kunin ang natitira nitong piso sa bulsa.
Gayon din naman ang tao ay pinagkalooban ng Dios ng anim na araw upang gawin ang lahat ng kanyang ibig ngunit kinukuha pa ng tao ang tanging araw na nalalabi sa Dios ukol sa pagsamba sa Kaniya, ang araw ng Linggo.