ARALIN BILANG 4
Faithful Witness Community Baptist Church of Binangonan Inc.
Faithful Witness Community Baptist Church of Binangonan Inc.
Pagbasa Ng Biblia
TALIBUKAS:
Sa pamamagitan ng panalangin tayo ay nakikipag-usap sa Dios at sa pamamagitan naman ng pagbabasa ng Biblia, ang Dios ay nangungusap sa atin. Dahil sa katotohanang ito, ang pagbasa ng Biblia ay dapat maging isang pamalagiang gawain ng mga tunay na mananampalataya .
I. ANG HALAGA NG BIBLIA SA BUHAY NG TAO
A. Ito ay pagkain ng kaluluwa. (Mateo 4:4; 1 Pedro 2:2)
B. Ito ay ilaw sa ating landas. (Mga Awit 119:105)
C. Ito ay nagtuturo sa atin tungkol sa buhay na walang hanggan. (Juan 6:68)
II. ANG MGA HAKBANG NA DAPAT GAWIN PARA SA MABUNGANG PAGBABASA NG BIBLIA
A. Dumako sa tahimik na pook.
B. Magsimula sa pamamagitan ng panalangin. Hilingin ang gabay ng Banal na Espirito.
C. Isulat sa isang notebook ang mga bagay na ipinagkaloob sa iyo ng Panginoon.
D. Sundin ang mga sumusunod na alituntunin para sa inyong pagbabasa.
Isulat ang lahat ng mga pangunahing tauhan.
Isulat ang pangunahing talata.
Lagyan ng pangalan at paksa.
Isipin kung ang Panginoong Hesus ay makikita sa mga talatang binasa.
Itanong sa sarili kung anu-ano ang mga aral na makukuha sa mga talatang binasa tulad ng mga sumusunod:
a. Mayroon bang mga pangakong maaaring angkinin.
b. Mayroon bang mga utos na dapat sundin?
c. Mayroon bang kasalanan na dapat iwasan?
d. Mayroon bang dapat matutunang aral?
e. Mayron bang halimbawang dapat sundin?
Tapusin ang iyong pagbabasa ng Biblia sa pamamagitan ng panalangin.
TALIWAKAS:
Ang Banal na Kasulatan ay Salita ng Dios. Sa pamamagitan ng Biblia ay nakikita natin ang kalooban ng Dios. Ito ang pagkain ng ating kaluluwa. Nararapat na tayo ay maging matapat sa bagay na ito.
Ang tanong ng isang tao, "Kung ikaw ay may dalawang aso: isang puti at isang itim, at sila ay mag-away, alin ang mananalo?". Ang sagot ng ilan ay "Itim!"; ang sagot naman ng ilan ay "Puti!". Ngunit ang tamang kasagutan dito ay ang yaong asong pinakain ang tiyak na mananalo.