ARALIN BILANG 5
Faithful Witness Community Baptist Church of Binangonan Inc.
Faithful Witness Community Baptist Church of Binangonan Inc.
Pagbabautismo
TALIBUKAS:
Ang Dios ay nagbigay sa Iglesia ng dalawang ordinansa o sakramento. Ito ay ang BAUTISMO at BANAL NA HAPAG (Holy Communion).
Para sa isang bagong mananampalataya, ang unang tungkulin sa mga ordinansang ito ay ang pagsunod sa sakramento ng bautismo.
Ito ay isang bagay na dapat gawin kaagad ng isang tunay na Kristiano sapagkat ito ay pinag-utos na ating gawin (Mateo 28:18,19).
Ito ay isang bagay na hindi maaring pamilian ng tao. Sapagkat ito ay utos, ang tao ay nararapat lamang na sumunod.
I. ANG KAHALAGAHAN NG BAUTISMO
A. Ito ay pagsunod sa halimbawa ng Panginoong Hesus. (Mateo 3:16,17; 1 Pedro 2:21)
B. Ito ay hakbang ng pagsunod sa utos ng Panginoong Hesus. (Mateo 28:19)
C. Ito ay nagpapatotoo sa ginawang paghahandog ng Panginoong Hesus ng Kaniyang buhay para sa atin. (Roma 6:3, 4, 10, 11)
D. Ito ay naglalarawan ng katotohanang hindi nakikita ngunit naganap sa puso ng tao. Tayo ay namatay na kasama ng Panginoong Hesus, nabuhay na kasama Niya at lumakad sa isang panibagong pamumuhay. (Roma 6:1-11)
II. ANG KAHULUGAN NG BAUTISMO
A. Ito ay hindi binyag. Ang salitang binyag ay ang pagbibigay ng pangalan at pagbubuhos ng tubig sa isang bata. Ito ay hindi itinuro ng Biblia at hindi nararapat gawin ng tunay na mananamapalataya.
B. Ito ay naglalarawan ng pagkamatay at pagkabuhay na mag-uli ng Panginoong Hesus. (Roma 6:3, 4)
C. Ito ay naghahayag ng pakay at katuparan ng pagparito ng Panginoong Hesus sa buhay ng isang tunay na Kristiano. (Roma
6:1-11; Galacia 3:27; Colosas 3:3)
D. Ito ay naghayag ng kamatayan at pagkabuhay na mag-uli. (1Corinto 15:12-22)
E. Ito ay ang pagka-lubog sa tubig at pag-ahon ng isang tao sa ilalim ng pagpapala ng Panginoong Dios. (Roma 6:1-11; Mateo 3:16-17)
III. MGA HAKBANG SA PAGTUPAD SA KAUTUSAN NG BAUTISMO
A. Sino ang dapat bautismuhan?
Ang tanging maaaring bautismuhan ay yaong mga tunay na Kristiano o ang mga ipinanganak na muli. (Mateo 28:19;
Mga Gawa 2:41; Mga Gawa 16:30-33)
Ang mga taong dapat bautismuhan ay yaong pagkatapos tumanggap sa Panginoon Hesus ay nagpakita ng mga karapat-dapat na bunga ng pananampalataya. (Mateo 3:6,8; Lukas 3:7, 8)
Ang pagbabautismo ng bata ay hindi itinuturo ng Biblia. Samakatuwid, ito ay dapat iwasan at hindi dapat na gawin ng mga tunay na Kristiano.
B. Papaano ang paraan ng pagbabautismo?
Ito ay dapat na lubog. Ang kahulugan ng salitang bautismo, na hinango sa salitang Griyego (orihinal na lenguwahe ng Biblia na baptizo ay "to dip" o sa Pilipino ay ilubog.
Ito ay lubog sapagkat ito ay makikita nating inilarawan sa Markos 1:5, 8, 9,10 at sa Mateo 3:16.
Ito ay nakita nating lubog sapagkat ito ang ginawa ng mga Apostol at mananampalataya ng unang Iglesia.
TALIWAKAS:
Ang bautismo ay hindi makapagliligtas kundi ito ang unang hakbang ng pagsunod ng isang tunay na ligtas.
Ang isang tunay na ligtas ay nararapat na magpabautismo; yaong hindi nagpabautismo ay nabubuhay sa pagsuway.