ARALIN BILANG 16
Faithful Witness Community Baptist Church of Binangonan Inc.
Faithful Witness Community Baptist Church of Binangonan Inc.
Kagalakan Sa Gitna Ng Pagsubok
TALIBUKAS:
Hindi miminsan na tayo ay nakakarinig ng mga himutok. "Bakit nangyari sa amin ito? Dios ko, bakit?" Hindi iilan ang mga taong bumabagsak sa gitna ng ganitong mga pagkakataon.
Ang isang huwaran sa gitna ng pagsubok ay si Job. Nang siya ay magtagumpay, lalo siyang pinagpala ng Dios.
Ang pagsubok na tinatanggap natin ay nagbibigay kagalakan at ang mga kagalakang ito sa gitna ng pagsubok ng mga sumusunod:
I. ANG ISANG SINUBOK NA PANANAMPALATAYA AY MAHALAGA (1 Pedro 1:7)
A. Sapagkat ito ay naglinis sa atin.
Tayo ay nilinis sa mga alalahanin at mga di-katiyakan. Ang ibon sa paraiso ay lumilipad na pasalubong sa hangin upang ang magandang pakpak nito ay hindi magkabuhol-buhol; tulad din ng isang mananampalataya na matapang na humaharap sa mga pagsubok hanggang ang buhay niya'y luminis at maging kaaya-aya.
B. Sapagkat ito ay naghahanda sa atin upang dumamay sa iba. (2 Corinto 1:3-7)
C. Ito ay nagbibigay ng masamyong bango para kay Kristo.
May nakapagsabi naang ibong "nightingale" ay lalong nasusugatan habang gumagawa ng kanyang pugad sa matitinik na baging.
Ngunit habang lumalalim ang kaniyang sugat ay lalong tumatamis ang kanyang tinig. Tulad ng ibong ito, ang paghihirap ng isang Kristiano ay nagdudulot ng bango at pagpapala sa iba.
D. Ito ay nagbibigay daan sa paglilingkod kay Kristo. (Colosas 1:24)
E. Maraming tao sa sang bayan ang naligtas at nakatuklas ng katotohanan sa pamamagitan ng isang bulag na babaeng Kristiano na nagpupunta sa bahay-bahay upang hilinging basahin ang Biblia sa kanya.
Nasabi ng babae sa isang misyonero na napalayas sa bayang iyon nang maikatlong beses na kung ang kanyang pagkabulag ang magiging daan sa pagkabukas ng bayang iyon sa ebanghelyo ay maluwag niyang tatanggapin ang kalagayang iyon.
II. ANG ISANG SINUBOK NA PANANAMPALATAYA AY MABUNGA (SANTIAGO 1:3,4)
A. Ito ay nagbubunga ng pagtitiis.
Ang isang taong matiisin ay nakatatagal sa anumang pagsubok at kahirapang dumarating sa kanya. Ito ay matibay niyang dinadala. Siya'y naghihintay ng may pagtiwala sa katuparan ng mga pangako ng Dios sa kanyang buhay.
B. Ito ay nagbubunga ng paglagong espiritual. (pagkasakdal) Nalalaman ng mga tao sa
Efeso na ang malinis na doktrina at tapat na paglilingkod at pagtitiis ay nagbubunga ng paglagong espiritual (Apokalipsis
2:1-7) Kinakailangan nating lumago sa pag-ibig kung nais nating ang ating paglago ay maging sakdal. (Colosas 3:14)
III. ANG ISANG SINUBOK NA PANANAMPALATAYA'Y KAPAKIPAKINABANG (SANTIAGO 1:5,12)
A. Ito'y may kasamang pangako ng karunungan mula sa Dios.
Kung dumarating sa atin ang pagsubok mayroon tayong karunungang nagmumula sa Dios at ito'y isang karunungang hindi pangkaraniwan.
B. Ito'y may kasamang pangako ng isang korona. Silang makapagtitiis sa pagsubok ay may nakalaang gantimpala.
TALIWAKAS:
Ang mga bagay na hindi kanais-nais tulad ng kahirapan, karamdaman, kabiguan o kamatayan ay sadyang hindi naiiwasan ng tao sa alin mang panahon at sa anumang uri ng kalagayan. Tanging ang mga mananampalataya lamang ang may buhay na tiyak ang patutunguhan. Ang kaniyang paghihirap ay laging may kahulugan at higit sa lahat, ay may katiyakan na ang lahat ng bagay na dumarating sa kaniyang buhay ay alam ng Dios at nasa plano ng ating Panginoon.