Ayon sa pinakahuling datos ng Unibersidad ng Santo Tomas nitong taong 2020, umaabot sa 15 na bahagdan ng populasyon ng buong bansa o mahigit kumulang 15 milyong Pilipino ang nakararanas ng katamtaman hanggang malalang suliranin sa pagdinig. Bilang isa sa mga bansang may pinakamataas na bahagdan ng mga mamamayang may suliranin sa pagdinig, matamlay at salat sa materyales ang sarili nating Filipino Sign Language (FSL). Kaya sa website na ito, layon naming dagdagan at pagyamanin pa ang mga panturong materyal ng FSL sa paraang libre at madaling mapupuntahan ng sangkaguruan.