Marahil ito na ang huling larawan namin kasama ang aming magandang guro, na nagsilbing gabay namin sa asignaturang Technology for Teaching and Learning 2. Bagamat hindi kami kumpleto sa litrato dahil ang ilan sa aming mga kaklase ay agad nang umuwi matapos ang pagsusulit naghintay pa rin kami upang makasama ang huling nag-exam bago tuluyang magpaalam.
Nakakaramdam kami ng lungkot sa likod ng mga ngiti sa larawang ito, sapagkat ito na ang huling araw ng klase sa asignaturang ito. Habang pinagmamasdan ang aming mga sarili sa litrato, bumabalik sa alaala ang mga sandaling kami'y sabay-sabay na nagka-cramming, nagtutulungan sa pag-aaral, at sabay-sabay ding umuuwi pagkatapos ng klase pagod, pero masaya.
Nakakamiss ang mga simpleng tagpo ng pagkakabiruan, kaba sa bawat quiz, at excitement tuwing may ulat. Masakit man isipin, alam naming hindi na ito mauulit sa parehong paraan. Ngunit dalangin ko na ang bawat alaala at aral na nakuha namin mula sa guro, sa mga aktibidad, at higit sa lahat, sa isa’t isa ay patuloy naming dadalhin saan man kami mapadpad.
Ang larawan na ito ay hindi lamang simpleng alaala. Isa itong paalala ng mga tagumpay, sakripisyo, at pagkakaibigang nabuo sa loob ng isang semestre. At habang tinatahak na namin ang panibagong yugto ng aming paglalakbay, ang huling larawan na ito ay magsisilbing inspirasyon at patunay na minsan, sa isang classroom, may nabuo kaming tahanan.
Final Examination sa Asignaturang Technology for Teaching and Learning 2
Mayo 20, 2025
Isinagawa namin ang final examination para sa asignaturang Technology for Teaching and Learning 2. Bago magsimula ang pagsusulit, maingat na nag-check ng attendance ang aming guro upang matiyak ang presensya ng bawat isa. Tiniyak din niya na lahat kami ay nakalog-in sa Moodle gamit ang aming mga computer, upang maging maayos ang takbo ng pagsusulit.
Ang exam ay situational at may oras lamang na 40 minuto upang ito ay sagutan. Sabay-sabay naming sinimulan ang pagsusulit. Ipinaalala ni Sir na pagkatapos ng exam ay maaari na kaming umuwi.
Para sa akin, ang pagsusulit ay hindi naman ganoon kahirap ngunit hindi rin ganoon kadali. May ilang bahagi lamang na medyo nakalito, ngunit sa kabuuan, Alhamdulillah, naging maayos naman ang aking pagsagot. Nakaramdam ako ng kaunting ginhawa at pasasalamat matapos ang exam.
Gayunpaman, may bahid ng lungkot dahil ito na ang huling araw ng klase para sa asignaturang ito. Mamimiss ko ang mga sandaling ako'y kinakabahan dahil sa mga ulat o biglaang pagsusulit. Bagamat hindi naging madali ang kurso, labis ang aking pasasalamat kay Allah sa paggabay at pagbibigay-lakas upang matagumpay kong malampasan ang asignatura.
Mayo 16, 2025
Sa araw na ito, isinagawa ang review ng mga ulat nina Bariquit, Cosain, at Raymart. Bago sinimulan ang talakayan, nag-check muna ng attendance ang aming guro upang matiyak ang presensya ng bawat isa.
1. Introduction to Digital Learning Resource Production
Tinalakay ang kahulugan ng digital learning resources—ito ay mga kagamitang pampagtuturo na nilikha gamit ang teknolohiya, tulad ng multimedia presentations, simulations, at online platforms. Layunin nitong gawing mas engaging, accessible, at personalized ang pagkatuto.
Mga Benepisyo ng Teknolohiyang Pang-Edukasyon:
Interaktibo at Kaakit-akit: Gamit ang videos, audio, animations, at games.
Accessible at Flexible: Maaaring pag-aralan kahit kailan at saan man.
Pagpapaunlad ng Digital Literacy: Mahalaga sa modernong edukasyon.
2. Tatlong Uri ng Digital Learning Resources:
Print-Based Resources: Halimbawa ay books, magazines, journals, activity sheets, at infographics/posters.
Audio-Based Resources: Binubuo ng podcasts at voice-over lessons (na may dalawang uri: narration at non-narration).
Interactive & Multimedia Resources: Binubuo ng gamified learning apps (e.g., Kahoot!, Quizizz) at educational videos (e.g., YouTube, TED-Ed).
3. Mga Prinsipyo sa Paggawa ng Learning Resources:
Kasama rito ang curricular alignment, learner-centeredness, accessibility, interactivity, at authenticity, na pawang tumutulong sa mabisang pagkatuto.
4. Digital Equivalents ng Traditional Resources:
Mga aklat → eBooks
Magazines → Digital magazines
Newspapers → Online news portals
Activity sheets → Downloadable PDFs
Posters → Canva, Piktochart
5. Pagtalakay sa Audio-Based Resources:
Podcasts ay episodyal na audio files na madaling ma-access at epektibo para sa auditory learners.
Voice-over recordings ay ginagamit sa video lessons at maaaring may narration o non-narration.
6. Interactive & Multimedia Resources:
Gamified learning apps ay nag-uudyok ng motibasyon sa pamamagitan ng games.
Educational videos ay gumagamit ng visual at audio para mapadali ang pag-unawa sa mga konsepto.
Pagsusumite ng Poster Project
Mayo 06, 2025
Bilang bahagi ng aming proyekto sa asignatura, kami ay inatasan ng aming guro na gumawa ng isang poster na may temang “SPC Admission.” Ang nilalaman ng poster ay maaaring tumuon sa pangkalahatang impormasyon tungkol sa St. Peter's College o sa aming departamento, ang College of Education.
Ayon sa mga itinakdang alituntunin, ang poster ay kailangang:
Ilimbag sa A4-sized photo paper
Magtaglay ng malinaw, makabuluhan, at kaaya-ayang disenyo
Makatugon sa layuning makapagbigay-impormasyon at makahikayat ng mga mag-aaral
Maisumite ngayong araw Martes, Mayo 6, 2025, bago ang ganap na alas-5:00 ng hapon
Ang pangongolekta ng mga output ay pangangasiwaan ni Bb. Liza Rhey Buhion Jagnas.
Alinsunod dito, narito ang opisyal na kopya ng aking ginawang poster, na isinagawa nang may pagsasaalang-alang sa lahat ng itinakdang pamantayan.
Abril 29, 2025
Ngayong araw, ang aming klase ay isinagawa sa pamamagitan ng Google Meet. Eksaktong alas-6:00 ng gabi, ipinadala ng aming guro ang link ng pagpupulong sa aming group chat. Bago pormal na sinimulan ang talakayan, isinagawa muna ang pagtse-check ng attendance sa oras na 6:05 PM upang matiyak ang presensya ng bawat mag-aaral.
Sa gabing ito, nagsimula na ang mga ulat para sa pinal na bahagi ng kurso. Ang unang grupo na nag-ulat ay ang grupo ni Bariquit, na tinalakay ang paksang "Print-Based Resources." Ayon sa kanilang ulat, Ang print-based resources ay tumutukoy sa mga materyales na nakalimbag sa papel at ginagamit bilang pisikal na sanggunian sa pag-aaral, pananaliksik, at komunikasyon. Ilan sa mga halimbawa nito ay:
Mga aklat (Books)
Magasin (Magazines)
Pahayagan (Newspapers)
Journal
Periodicals
Tinalakay rin nila ang tungkol sa workbooks at activity sheets. Ang workbook ay isang koleksyon ng mga worksheet na ginagamit upang gabayan ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Samantalang ang activity sheet ay isang nakatuong kasangkapan sa pagkatuto na dinisenyo para sa tiyak na kasanayan o paksa.
Sumunod na nag-ulat ang grupo ni Cosain, na tinalakay ang "Audio-Based Resources." Ipinaliwanag nila na ito ay tumutukoy sa mga mapagkukunan ng kaalaman na nakatuon sa pakikinig bilang paraan ng pagkatuto. Mahalaga ito upang mapaunlad ang kakayahang umunawa, tandaan, at muling gamitin ang impormasyong naririnig.
Ayon sa kanilang ulat, may dalawang pangunahing uri ng audio-based resources:
Podcast – isang digital audio file na maaaring i-stream o i-download, karaniwang may serye at tumatalakay sa partikular na paksa.
Voice-Over Recording – ginagamit bilang pagsasalaysay o pagpapaliwanag sa likod ng isang presentasyon o video.
Ang Voice-Over Recording ay may dalawang uri:
Narration – malinaw na pagsasalaysay o pagpapaliwanag ng nilalaman, karaniwang ginagamit sa mga instructional videos.
Non-Narration – maaaring background audio o tunog na hindi nagpapaliwanag ngunit sumusuporta sa mood o mensahe ng materyal.
Pagkatapos ng grupo ni Cosain, nag-ulat naman ang grupo ni Gungob na tinalakay ang "Interactive and Multimedia Resources." Ayon sa kanilang ulat, ang ganitong uri ng mapagkukunan ay nakatuon sa aktibong partisipasyon ng mag-aaral gamit ang teknolohiya at iba't ibang media format.
Mayroon itong dalawang pangunahing anyo:
Gamified Learning Applications – mga aplikasyon o digital games na idinisenyo para gawing mas masaya, interaktibo, at makabuluhan ang pagkatuto.
Educational Videos – mga video na layuning magturo ng konsepto o kasanayan, kadalasang sinusuportahan ng mga visual, animation, at voice-over.
Abril 25,2025
Araw ng Biyernes, ay isinagawa ang aming pagsusulit. Ngayong araw ay nagsimula ang aming klase sa ganap na 12:00 ng tanghali. Bago sinimulan ang talakayan, isinagawa muna ang attendance upang matiyak ang presensya ng bawat isa at binati kami ng isang magandang hapon. Pagkatapos nito, ipinaliwanag niya ang magiging takbo ng pagsusulit.
Ang klase ay hinati sa dalawang batch upang maging maayos ang daloy ng pagsusulit. Ako ay kabilang sa Batch 1, na siyang unang nagsagawa ng pagsusulit habang ang Batch 2 ay pansamantalang lumabas ng silid-aralan upang maiwasan ang abala at siguruhing tahimik ang kapaligiran.
Ang pagsusulit ay isinagawa gamit ang Moodle platform sa computer laboratory. Binigyan kami ng 40 minutong time limit upang sagutan ang pagsusulit. Bago kami nagsimula, kami ay sabay-sabay na nag-log in sa aming mga account sa Moodle. Mismong sabay-sabay din kaming nag-umpisa upang matapos kami nang sabay-sabay.
Ang uri ng pagsusulit ay situational may mga tanong na hindi gaanong mahirap, ngunit may ilang bahagi na medyo nakalilito at nangangailangan ng masusing pag-unawa. Para sa akin, sa kabuuan ay kayang-kaya naman ang pagsusulit. Alhamdulillah, nakasagot ako nang maayos at natapos sa tamang oras.
Matapos naming matapos ang pagsusulit, kami sa Batch 1 ay pinayagan nang umuwi, upang bigyang-daan ang Batch 2 na siyang susunod na kukuha ng pagsusulit.
Abril 22, 2025
Nagsimula ang aming klase sa ganap na ika-6:00 ng gabi. Gaya ng nakagawian, ang unang bahagi ng klase ay ang pagsuri ng attendance na isinagawa ng aming guro. Sa araw na ito, hindi bagong ulat ang tinalakay, kundi ang mas malalim na pagpapaliwanag at pagpapayaman ng mga naunang nailahad na ulat mula sa mga nakaraang tagapag-ulat. Layunin ng klase na mas mapalalim ang pag-unawa ng mga estudyante sa mga paksang tinalakay sa pamamagitan ng karagdagang input mula sa guro.
Ang aming mga naging talakayan ay isinagawa sa pamamagitan ng Google Meet, bilang tugon sa mga pangyayaring hindi inaasahan, at upang masiguro pa rin ang pagpapatuloy ng pagkatuto sa kabila ng mga limitasyon sa pisikal na presensya.
Tinalakay ang mga iba't ibang presentation tools tulad ng Microsoft PowerPoint, Google Slides, at Canva, na kinikilalang makapangyarihang kasangkapan sa pagtuturo ng wika. Ang mga ito ay nagbibigay-daan upang maging mas interaktibo, biswal, at kaaya-aya ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Maaaring gamitin ang mga ito sa parehong online at face-to-face na klase, dahil sa kanilang kakayahang magsama ng multimedia tulad ng mga video, tunog, at larawan.
Mga Kahalihalinaang Aspeto ng Presentation Tools:
Structured Layouts – Nagtataglay ng mga template na sumusunod sa epektibong disenyo ng presentasyon, gaya ng limitadong teksto sa bawat slide at tamang sukat ng font.
Multimedia Integration – Madaling makapagsingit ng mga video, audio, grapiko, at larawan upang palawakin ang nilalaman.
Familiar Interface – Madaling gamitin, lalo na sa mga pamilyar na gumagamit ng Microsoft Word.
Fun & Engaging – Kaaya-ayang gamitin, nakahihikayat ng interaksyon, at madaling matutunan.
Flexible Editing – Maaaring i-edit anumang oras ang mga slide.
Motivational – Nakapagpapataas ng interes at aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral.
Printable – Maaaring i-print ang mga aralin para sa mga mag-aaral na walang access sa digital na kagamitan.
Mga Kakulangan ng Presentation Tools:
Technical Issues – Maaaring magkaproblema sa mga kagamitan gaya ng projector o laptop; mainam na may backup plan.
File Corruption – Ang mga file ay maaaring masira; mahalagang may kopya sa USB o CD.
Incompatible Media – May mga media file na hindi gumagana sa ibang device; mainam na gamitin ang sariling laptop kung maaari.
Poor Usage – Hindi epektibo kung labis ang animation, sobrang teksto, at hindi kaakit-akit ang disenyo.
Integrated Active Learning Approach (IALA)
Ipinaliwanag rin ni Ginoo ang Integrated Active Learning Approach (IALA), isang pamamaraang panturo na nagsasama-sama ng apat na kasanayan sa wika—pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat—sa mga tunay at makabuluhang gawain upang gawing mas natural at epektibo ang proseso ng pagkatuto.
Pangunahing Katangian ng IALA:
Task-Based Activities – Gamit ang mga gawaing nakabatay sa tunay na buhay gaya ng pag-order ng pagkain o pagsasagawa ng panayam.
Collaborative Learning – Pagkatuto sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga mag-aaral.
Critical Thinking – Pagsusuri at pagbubuo ng sariling pag-unawa sa mga gawain.
Multimodal Input – Paggamit ng kombinasyon ng teksto, video, at aktwal na gawain.
Immediate Feedback – Agarang pagbibigay ng gabay at puna para sa mas mabilis na pag-unlad.
Binigyang-diin din ni Ginoo ang kahalagahan ng Active Learning sa pagtuturo ng wika. Sa pamamaraang ito, ang mga mag-aaral ay aktibong kalahok sa klase. Hindi lamang sila basta nakikinig, kundi natututo sa pamamagitan ng aktwal na paggamit ng wika sa mga makabuluhang gawain.
Mga Prinsipyo ng Active Learning:
Learner-Centered – Nakasentro sa aktibong partisipasyon at awtonomiya ng mga mag-aaral.
Authentic Communication – Pagkatuto sa pamamagitan ng mga makatotohanang sitwasyon.
Collaboration – Pagkatuto sa pamamagitan ng interaksyon at pagtutulungan.
Integrated Skills – Pagsasama-sama ng lahat ng kasanayan sa wika.
Critical Thinking – Pagpapalalim ng pag-iisip at pagsusuri.
Experiential Learning – Pagkatuto sa pamamagitan ng aktwal na karanasan (hal. role-play, proyekto).
Feedback-Rich – Patuloy at malinaw na puna para sa pag-unlad.
Authentic Materials – Paggamit ng tunay na sanggunian tulad ng video at artikulo.
Bilang karagdagan, muling binigyang-pansin ang Problem-Based Learning (PBL), isang student-centered na estratehiya kung saan hinahasa ng mga mag-aaral ang kanilang kakayahan sa wika sa pamamagitan ng paglutas ng mga totoong suliranin. Ang PBL ay tumututok sa kolaboratibong imbestigasyon, talakayan, at makabuluhang paggamit ng wika sa konteksto. Natututo ang mga mag-aaral habang isinasabuhay nila ang wika upang tuklasin, unawain, at lutasin ang mga problema.
Ang klase ngayong gabi ay nagsilbing pagkakataon upang mas maunawaan at mapalalim ang mga tinalakay sa mga naunang ulat. Sa tulong ng pagpapaliwanag ni Ginoo, mas naging malinaw sa amin ang mga konseptong tulad ng paggamit ng presentation tools, IALA, active learning, at PBL—na pawang nakatuon sa pagbibigay ng mas makabuluhan, makatao, at epektibong karanasan sa pagkatuto ng wika.
Abril 15,2025
Ngayong araw, inaasahan sanang magkakaroon ng harapang klase. Gayunpaman, dahil sa kahilingan ng karamihan sa amin na magsagawa na lamang ng online na klase sa pamamagitan ng Google Meet dahil marami sa amin ang naka-uwi na sa kani-kanilang mga probinsya para sa nalalapit na Mahal na Araw pumayag si Ginoo na isagawa ang klase online. Binigyang-diin ni Ginoo ang kahalagahan ng matatag na koneksyon sa internet upang masiguro ang maayos na daloy ng talakayan.
Bago simulan ang mga ulat, nagsagawa muna si Ginoo ng pag-check ng attendance sa ganap na 6:40 ng gabi. Matapos nito, sinimulan ang mga presentasyon ng mga nakatalagang grupo.
Tinalakay ng unang grupo ang Inquiry-Based Learning (IBL) bilang isang makabago at epektibong pamamaraan sa pagtuturo ng wika. Ang IBL ay isang estratehiyang nakasentro sa mag-aaral na humihikayat sa kanila na tuklasin ang wika sa pamamagitan ng masusing pagsisiyasat at pagtuklas. Sa halip na direktang ituro ang mga kaalaman, pinapadali ng guro ang proseso ng pagkatuto sa pamamagitan ng paggabay sa mga mag-aaral na bumuo ng kanilang sariling pag-unawa sa mga konsepto ng wika.
Ang sumunod na tagapag-ulat ay sina Ledesma, Bardilas, at Mangorangca, na tinalakay ang Problem-Based Learning (PBL) bilang isang pamamaraan sa pagtuturo ng wika. Ang PBL ay isang estratehiyang nakasentro sa mag-aaral kung saan natututo sila sa pamamagitan ng paglutas ng mga tunay at makabuluhang problema. Sa halip na ibigay agad ang impormasyon, hinahayaan ng PBL na tuklasin ng mga mag-aaral ang mga konsepto at prinsipyo habang nilulutas ang mga problema.
Steps and implementing pbl in language teaching
Identify or design a real world problem
Introduce the problem to students
Form collaborative groups
Define what needs to be learned
Conduct research in language practice
Develop and present solutions
Reflect and evaluate
Ang huling grupo, na binubuo nina Acut, Anting, at Longakit, ay tinalakay ang Paglikha ng mga Kagamitang Pampagkatuto gamit ang Teknolohiyang Panturo. Ang paglikha ng mga kagamitang pampagkatuto gamit ang teknolohiya ay tumutukoy sa paggawa ng mga materyales na madalas ay digital upang mapabuti ang karanasan sa pagkatuto at proseso ng pagtuturo.
Ang paggamit ng mga teknolohiyang ito ay nagbibigay-daan sa mga guro at mag-aaral na lumikha at gumamit ng mga materyales na mas nakakaengganyo at epektibo sa pagtuturo at pagkatuto ng wika.
Abril 11, 2025
Ngayong araw, ipinagpatuloy ang serye ng mga ulat mula sa mga nakatalagang grupo sa aming asignaturang Presentation Software for Language Learning. Ang klase ay nakatakdang magsimula sa ganap na ika-12:00 ng tanghali. Ipinadala ng aming guro ang link para sa klase sa group chat noong 11:57 AM. Nagsimula ang pag-check ng attendance sa ganap na 12:17 PM, kasunod ng pagbati ng "Magandang umaga" mula sa aming guro bago pormal na sinimulan ang talakayan.
Ang mga tagapagsalita sa araw na ito ay sina Jagnas at Baro. Tinalakay nila ang paksang Presentation Software for Language Learning, na nakatuon sa paggamit ng Microsoft PowerPoint bilang pangunahing kasangkapan sa pagtuturo ng wika.
Pagpapakilala sa Microsoft PowerPoint
Ipinaliwanag nila ang mga pangunahing gamit ng Microsoft PowerPoint bilang isang software para sa paggawa ng presentasyon, na karaniwang ginagamit sa edukasyon at iba pang larangan.
The Advantage of Teaching by Using Microsoft Powerpoint ;
Structured Layout – Ang maayos na pagkakaayos ng nilalaman sa mga slide.
Multimedia Integration – Kakayahang magdagdag ng mga larawan, video, at audio upang mapalawak ang presentasyon.
Familiar Interface – Madaling gamitin at pamilyar na disenyo ng interface.
Fun & Engaging – Nakaaaliw at nakapupukaw ng interes ng mga mag-aaral.
Motivational – Nakapagpapalakas ng motibasyon sa pagkatuto.
Printable – Maaaring i-print para sa pisikal na kopya ng presentasyon
The Disadvantage of Teaching by Using Microsoft Powerpoint ;
Technical Issues – Posibleng magkaroon ng mga teknikal na problema tulad ng pagkasira ng file o hindi pagkakatugma ng media.
File Corruption – Panganib ng pagkasira ng file na maaaring magdulot ng pagkawala ng datos.
Incompatible Media – Hindi lahat ng media files ay suportado, na maaaring magdulot ng aberya sa presentasyon.
Poor Usage – Hindi epektibong paggamit ng software na maaaring magresulta sa hindi magandang presentasyon.
Mga Uri ng Visual Aid:
Tinalakay rin nina Jagnas at Baro ang iba't ibang uri ng visual aid na maaaring gamitin upang mapabuti ang presentasyon:
Larawan (Images) – Mga litrato o ilustrasyon na nagbibigay ng biswal na representasyon ng impormasyon.
Video – Mga moving images na nagpapakita ng impormasyon o kwento sa mas dynamic na paraan.
Infographics – Mga grapikong representasyon ng impormasyon, datos, o kaalaman na nagpapadali sa pag-unawa ng mga komplikadong konsepto.
Data Visualization – Mga grap, chart, at iba pang biswal na representasyon ng datos upang ipakita ang mga pattern at trend.
Interactive Visuals – Mga biswal na elemento na maaaring makipag-ugnayan ang audience, tulad ng mga interactive na mapa o diagram.
Sequential Storyboards – Mga sunud-sunod na larawan o sketch na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng isang kwento o proseso.
Visual Metaphors – Mga biswal na representasyon na gumagamit ng metapora upang ipakita ang isang ideya o konsepto sa mas madaling paraan.
Ang ulat nina Jagnas at Baro ay nagbigay ng malinaw na pagtalakay sa mga benepisyo at hamon ng paggamit ng Microsoft PowerPoint sa pagtuturo ng wika. Ang kanilang presentasyon ay naging kapaki-pakinabang sa pagbibigay-liwanag sa mga aspeto ng paggamit ng presentation software sa edukasyon.
Pagpapatuloy sa Aming Pag-uulat Tungkol sa Word Processing Software
Abril 4, 2025
Ngayong araw ay nagsimula ang aming klase sa ganap na 12:00 ng tanghali at nagtapos ng 1:00 ng hapon. Bago sinimulan ang talakayan, isinagawa muna ang attendance upang matiyak ang presensya ng bawat isa.
Sa mga sandaling iyon ay kinakabahan pa rin ako, dahil ipagpapatuloy namin ang aming ulat. Nagsimula ako sa isang maikling pagbati at pagbabalik-aral tungkol sa aming unang leksyon. Muli kong ipinaliwanag kung ano ang Word Processing Software, pati na rin ang mga pangunahing tampok nito tulad ng:
Text Input and Formatting – kung saan matatagpuan ang bold, italics, underline, font style, at size.
Spell Check and Grammar Check – mga tool na tumutulong sa pagwawasto ng baybay at gramatika.
Find and Replace – ginagamit upang mabilis na hanapin at palitan ang mga salita sa dokumento.
Formatting Layout – kasama dito ang paragraph alignment, bullets, at numbering.
Sa unang bahagi ng aming pag-uulat, dito kami natapos. Sa araw na ito, ipinagpatuloy ko ang susunod na bahagi ng ulat na tumalakay sa:
Headers, Footers, and Page Numbers – mga bahagi ng dokumento na karaniwang ginagamit upang maglagay ng karagdagang impormasyon tulad ng pamagat o bilang ng pahina.
Columns and Section Breaks – ginagamit upang hatiin ang nilalaman sa iba't ibang seksyon o layout.
Pagkatapos ng aking bahagi, ipinasa ko ang ulat kay Najer na siyang nagtuloy sa mga sumusunod na paksa:
Inserting Various Element
-Images, Tables, Charts, and Graphs – nagpapahusay sa visual na presentasyon ng impormasyon.
Hyperlinks – naglalagay ng link papunta sa ibang website o dokumento.
Text Boxes and Shapes – nagbibigay-diin sa mahahalagang bahagi ng nilalaman.
Equations and Symbols – kapaki-pakinabang para sa mga dokumentong may kaugnayan sa agham at matematika.
Saving and Sharing Documents
Auto-Save Feature – awtomatikong nagsi-save ng dokumento sa Google Docs; mayroon ding autosave option sa Microsoft Word kung naka-integrate sa OneDrive.
Cloud Storage Integration – maaaring i-store ang files sa Google Drive, OneDrive, o iba pang cloud services.
Export and Compatibility – maaaring i-save ang dokumento sa iba't ibang format tulad ng DOCX, PDF, o TXT.
Real-Time Collaboration – sabay-sabay na makakapag-edit ang maraming users sa iisang dokumento, lalo na sa Google Docs.
Dito nagtapos ang aming ulat. Sa kabuuan, naging maayos at matagumpay ang aming presentasyon. Sa tulong ng aming guro, mas naging malinaw at mas malalim ang pagkaunawa ng aming mga kaklase sa aming paksa. Isa itong karanasang nagbigay sa amin ng tiwala sa sarili at dagdag kaalaman sa paggamit ng Word Processing Software.
Paggawa ng Canva Presentation para sa TTL 2
April 1 2025
Kahit holiday at walang pasok ngayong araw, kami ay nagdesisyong ipagpatuloy ang aming gawain at nagtulungan bilang isang grupo upang buuin ang aming Canva presentation para sa asignaturang TTL 2. Isa itong kapaki-pakinabang at makabuluhang karanasan, hindi lamang dahil nagkaroon kami ng pagkakataong mag-collaborate, kundi dahil na-explore din namin ang iba’t ibang tampok ng Canva.
Sa tulong ng tool na ito, madali naming napili ang angkop na template para sa aming paksa. Masaya naming in-edit ang mga font style, kulay, at text effects upang maging mas presentable at kaaya-ayang tingnan ang aming mga slide. Gumamit din kami ng mga larawan mula sa Canva library, pati na rin ng sarili naming mga in-upload na larawan upang mas maging personalized ang aming presentation.
Malaki rin ang naitulong ng paggamit ng mga elements tulad ng icons, shapes, at lines na nagsilbing visual aids para mas suportahan ang nilalaman ng aming mga slide. Nagdagdag din kami ng transitions at animations upang maging mas dynamic at engaging ang daloy ng aming presentasyon. Para sa mas malinaw na paglalahad ng datos, gumamit din kami ng charts at infographics.
Sa kabuuan, napatunayang user-friendly ang Canva at napakahusay na kasangkapan para sa paggawa ng group presentations. Bukod sa pagsasanay sa aming pagiging malikhain, natuto rin kaming maging mas organisado at epektibong makipag-ugnayan sa isa’t isa.
Pag-uulat Tungkol sa Word Processing Software
Marso 28, 2025
Noong Marso 28, 2025, nagsimula ang aming klase sa ganap na 12:00 ng tanghali at nagtapos ng 1:00 ng hapon. Bago simulan ang talakayan, isinagawa muna ang attendance upang matiyak ang presensya ng bawat isa.
Sa mga oras na iyon, ako ay kinakabahan dahil ako ang naatasang mag-ulat kasama si Najer Edris. Ramdam ko ang kaba at takot, kahit pa matagal ko nang kaklase ang iba sa ibang asignatura. Sa asignaturang TTL, ibang pakiramdam ang dala ng pressure, lalo na't may posibilidad na ipaulit ni Sir ang presentation kung hindi ito maayos, batay sa naging karanasan ng ibang grupo mula sa ibang section.
Gayunpaman, pinilit kong maging matatag. Tumayo ako, binati ang klase, ipinakilala ang aking sarili at ang aking kasama, at sinimulan ang aming talakayan tungkol sa Word Processing Software.
Ipinakilala ko ito bilang isang uri ng software na ginagamit sa paggawa, pag-edit, pag-format, at pag-save ng mga dokumentong tekstuwal. Ibinahagi ko rin ang mga kilalang halimbawa tulad ng Microsoft Word at Google Docs, na parehong may mga tampok na tumutulong upang maging maayos at propesyonal ang mga sulatin.
Habang nagpapatuloy ang talakayan, tinalakay ko ang mahahalagang tampok ng Word Processing Software gaya ng:
Text Input and Formatting – kung saan maaaring gamitin ang bold, italics, underline, font style, at font size upang mapaganda ang anyo ng teksto.
Spell Check at Grammar Check – mga tool na tumutulong sa pagtukoy at pagwawasto ng mga maling baybay at gramatika.
Find and Replace – isang napaka-kapaki-pakinabang na tool upang mabilis na makahanap at palitan ang partikular na mga salita sa dokumento.
Tinulungan rin kami ng aming guro upang mas malinaw naming maipaliwanag ang mga konsepto, lalo na sa bahagi ng bullets at numbering. Ipinaliwanag na ang bullets ay ginagamit upang gumawa ng organisadong listahan, samantalang ang numbering ay naglalagay ng tamang pagkakasunod-sunod sa mga hakbang o detalye ng dokumento.
Bagaman hindi namin natapos ang buong talakayan dahil sa kakulangan ng oras, naging makabuluhan ang mga naibahagi namin. Nakita ko rin ang halaga ng Word Processing Software hindi lamang sa paggawa ng mga dokumento kundi pati na rin sa pagpapaganda at pagpapaprofesyonal ng aming mga sulatin. Ako’y nasisiyahan at nasasabik na magamit ang mga natutunan ko sa mga susunod na proyekto.
Dahil sa limitadong oras, ipagpapatuloy namin ang aming pag-uulat sa susunod na klase.
Marso 25 2025
Ngayong araw, nagsimula ang aming klase sa ganap na 6:20 ng gabi at natapos ng 8:00 ng gabi. Bago ang opisyal na pagsisimula, binigyan muna kami ni Sir ng sapat na oras upang makakain at makapag-iftar, bilang paggalang sa mga mag-aaral na nag-aayuno. Pagkatapos nito, agad na nag-check si Sir ng attendance upang matiyak ang presensya ng bawat isa.
Matapos ang attendance, ipinakilala ng aming guro ang isang espesyal na panauhin na kanyang inimbitahan upang magbahagi ng kaalaman sa amin tungkol sa Canva—isang digital tool na ginagamit sa paggawa ng mga malikhaing disenyo tulad ng mga poster, presentation, at social media content.
Ipinakilala ng panauhin ang mga pangunahing kaalaman sa Canva, kabilang ang iba’t ibang features at techniques na makatutulong upang mapaganda at mapadali ang paggawa ng mga proyekto. Una, tinuruan kami kung paano pumili at gumamit ng mga template, na makatutulong upang mapabilis ang paggawa ng disenyo at mapanatiling propesyonal ang itsura nito. Ipinaliwanag din kung paano pumili ng tamang color palette at font combination upang makabuo ng disenyo na may maayos na harmony.
Sunod, itinuro kung paano magdagdag ng mga elemento tulad ng icon, larawan, linya, at hugis. Ayon sa panauhin, mahalagang gamitin ang mga ito upang bigyang-diin ang mga mahahalagang bahagi ng disenyo at gawing mas kaakit-akit ang kabuuan. Tinuruan din kami kung paano mag-animate ng mga teksto at larawan gamit ang Canva, tulad ng pag-slide, pag-fade, at pag-zoom, upang mas maging dynamic at engaging ang presentasyon.
Bukod dito, ipinakita rin kung paano gumamit ng mga transitions sa pagitan ng mga slides upang maging mas maayos ang daloy ng presentasyon. Isa sa mga pinakakapaki-pakinabang na bahagi ng sesyon ay ang pagdaragdag ng audio at video sa proyekto, na mahalaga sa paggawa ng mga video presentations o social media content.
Sa kabuuan, naging makabuluhan at kapaki-pakinabang ang klase ngayong araw. Bukod sa mga bagong kaalaman sa paggamit ng Canva, mas naengganyo akong gamitin ito sa paggawa ng mga malikhaing proyekto. Ako’y masaya sa mga natutunan ko at nasasabik na mag-eksperimento pa sa iba’t ibang disenyo sa hinaharap.
Ngayon, ang aming klase ay nagsimula sa ganap na 12:00 ng hapon at nagtapos ng 1:00 ng hapon. Bago simulan ang talakayan, nag-check muna ng attendance ang aming guro upang matiyak ang presensya ng bawat isa. Bagama’t maikli lamang ang oras ng klase, naging makabuluhan ito at puno ng bagong kaalaman.
Sinimulan ang aralin sa isang maikling pagbalik-aral sa naunang leksyon, na ipinagpatuloy ng mga tagapag-ulat. Dahil hindi ito natapos noong nakaraang session, itinuloy nila ngayon ang kanilang ulat. Isa sa mga binigyang-diin nila ay ang kahalagahan ng pagtutulungan. Ayon sa kanila, mas lumalawak ang ating kaalaman kapag nakikipagpalitan tayo ng ideya sa iba, dahil bawat isa ay may kakaibang pananaw at pag-unawa.
Ibinahagi rin nila ang kasabihang "Think before you click," na nagsisilbing paalala na hindi lahat ng nakikita sa internet o social media ay totoo. Dapat tayong maging mapanuri at responsable sa pagproseso at pagbabahagi ng impormasyon upang maiwasan ang maling paniniwala at mapanatili ang kaligtasan ng sarili at ng iba.
Habang nagpapatuloy ang klase, ipinaalam ng aming guro na magpapadala siya ng link kung saan namin isusumite ang aming mga Google Site. Doon niya susuriin ang aming mga output at bibigyan ng kaukulang marka. Pinayuhan niya kaming siguraduhing maayos at kumpleto ang aming mga gawa bago ang takdang deadline.
Ipinagpatuloy ng mga tagapag-ulat ang talakayan tungkol sa HTML (HyperText Markup Language), isang wikang ginagamit sa paggawa at pagsasaayos ng mga nilalaman ng isang webpage. Tinalakay nila ang mga pangunahing elemento gaya ng <headings>, <paragraphs>, <images>, at <links>. Ipinaliwanag rin ang URL (Uniform Resource Locator), na nagsisilbing address upang mahanap at ma-access ang isang webpage sa internet. Ang HTML ay para sa pagbuo ng laman ng isang webpage, samantalang ang URL naman ay ginagamit upang puntahan ito online.
Tinanong rin ng aming guro kung ano ang ibig sabihin ng TED Talk, na nangangahulugang Technology, Entertainment, and Design. Isa itong presentasyon kung saan ang tagapagsalita ay nagbabahagi ng karanasan, ideya, o kaalaman. Ikinumpara ito sa Podcast, na may mas interaktibong daloy dahil may tanungan at sagutan sa pagitan ng host at panauhin.
Sa huli, natalakay rin ang konsepto ng scaffolding—isang paraan ng pagtuturo na nagbibigay ng suporta at gabay upang mas mapadali ang pagkatuto ng mga mag-aaral.
Sa kabuuan, kahit maikli lang ang oras ng klase, naging masagana ito sa kaalaman. Natutunan ko hindi lamang ang teknikal na aspeto ng paggawa ng website gamit ang Google Sites at HTML, kundi pati ang kahalagahan ng pagtutulungan, pagiging mapanuri sa online na impormasyon, at ang kahalagahan ng patuloy na pagkatuto sa lahat ng bahagi ng buhay.
Noong Marso 11, nagsimula ang aming klase ng alas 6 ng hapon. Ang unang bahagi ng klase ay ang attendance na isinagawa ng aming guro. Pagkatapos nito, nagsimulang mag-ulat ang unang grupo na binubuo nina Cabilan at Galucan. Habang sila ay nag-uulat, paminsan-minsan ay nagtatanong si Sir hinggil sa kanilang paksa upang mas mapalalim ang talakayan. Minsan din ay tinatanong niya kami kung ano ang aming mga naintindihan at kung may bahagi bang hindi malinaw sa amin.
Ipinakita ng mga tagapag-ulat ang isang video mula sa YouTube na nagpapakita kung paano gumawa ng Google Sites. Matapos naming mapanood ang video, pinagawa na kami ni Sir ng aming sariling Google Site. Nagsimula kami sa pag-log in sa computer at agad naming sinimulan ang paggawa ng aming site, kung saan ilalagay namin ang iba’t ibang gawain at mga diary na nagsasalaysay ng aming mga karanasan sa loob ng silid-aralan.
Habang ginagawa namin ito, may mga pagkakataong nahirapan kami, kaya nagtatanong kami kay Sir at sa mga tagapag-ulat. Masaya kaming tinulungan nila upang maitama ang aming mga pagkakamali. Kasabay nito, pinagawa rin kami ni Sir ng logo at inilagay namin ang aming mga sariling larawan sa aming Google Site.
Dahil kinulang kami sa oras, ipinagpatuloy na lamang ng ilan sa amin ang paggawa sa kani-kanilang mga bahay.