EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO - ONLINE!
MALIGAYANG PAGDATING SA ESP-O!
Ang ESP-O! ay isang e-learning package, audio-visual pedagogical device para sa pagtuturo at pagkatuto ng Edukasyon sa Pagpapakatao. Hangad nito na magbigay ng isang holistic na pag-unawa sa iba't ibang isyung moral sa pamamagitan ng paggamit ng mga software sa edukasyon.
Ang ESP-O! ay isang e-learning package na naglalaman ng mga modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 - Ikaapat na markahan, na maaaring gamitin upang maging gabay ng mga guro sa pagtalakay ng mga isyung moral. Bawat modyul ay naglalaman ng mga gawain, pagsusuri, abstraksyon, pagsasabuhay, at pagtataya na makatutulong sa pag-aaral.
Ang Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) ay isa sa mga asignatura ng Pinaunlad na Programa ng Batayang Edukasyon na K to 12 na gagabay at huhubog sa kabataan. Tunguhin nito ang paghubog ng kabataang nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat (Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide, 2012).
Ang ESP-O! ay para sa mga guro at mag-aaral sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10. Ito rin ay para sa mga interesanteng matutuhan ang mga isyung moral.
Ang ESP-O! ay pangunahing suplemento sa pagtuturo na maaaring magamit ng mga guro sa EsP. Ang bawat modyul ay maaaring magamit sa talakayan sa bawat aralin.
Ginawa ang ESP-O! para maging suplemento sa pagtuturo, bagkus ito ay naglalaman ng mga gawain sa EsP Baitang 10.
PANGKALAHATANG PANUTO
Makikita sa itaas at sa baba ng pahina na ito ang iba't ibang modyul. Pindutin (click) ang napiling modyul at ikaw ay dadalhin sa pahina ng napiling modyul.
Ang bawat modyul ay may limang bahagi: Gawain, Pagsusuri, Pagpapalalim, Pagsasabuhay, at Pagtataya. Ang mga bahagi na ito ay naglalaman ng mga aralin, laro, at bidyo na magagamit sa pagtalakay sa mga aralin na nasa bawat modyul.