Jump to a question:
Opo, pwede po at wag kalimutang magregister online. Lahat po ng impormasyon ay siguraduhing tama lalo na ang contact number, email address at FB account name.
Sa Main Plant (1 Ring Road, Light Industry Science Park II, Brgy. La Mesa, Calamba Laguna) ginaganap tuwing araw ng Martes, Miyerkules hanggang Huwebes.
Ang online application po namin ay pwede lamang sa isang aplikasyon kaya maging responsibe po tayong aplikante. Huwag po nating sayangin ang oportunidad na makapag-apply. Think before you click.
Lahat po ng katanungan tungkol sa apply ay maaaring itawag sa local number na aming ibinigay. Sapagkat ang FB account po ay ginagamit lamang namin sa posting ng vacancy at interview.
Tumawag lamang po sa oras ng opisina ng sa gayun ay masagot po ang inyong katanungan.
Lunes hanggang Biyernes simula 08:30 ng umaga hanggang 05:00 ng hapon.
Lahat po ng successful application ay natatanggap at sinasala ng Recruitment Team. Amin pong hinihingi ang inyong pang-unawa sa paghintay sa aming tawag. Ang amin pong interview ay sa pamamagitan ng FB Video Call o Mobile Phone. Panatilihin po ang inyong koneksyon sa anumang uri ng komunikasyon.
Sa email address (GMAIL) po namin ipinapadala ang mga resulta at mga direksyon para sa medikal at iba pang impormasyon tungkol sa inyong aplikasyon.
Lahat po ng proseso ay LIBRE at WALA pong babayadan.
Ang EMTEPH po ay hindi kumukuha ng anumang bayad. Iwasan po ang magpost sa social media ng anumang impormasyon tungkol sa inyong aplikasyon ng sa gayun ay hindi ito maging daan ng scammer para kayo ay maloko.