BABANGON AKO'T TUTUSUKIN KITA
Genre: Dark Comedy
Language: Filipino
--------------------------------------------------------
Akala ni Divina “Didi” Castillo, pinakamasakit na ang maloko ng asawa.
Mali siya.
Mas masakit pala ang itulak mula sa bangin habang si Benjo at ang kabit niyang si Fina ay nagse-celebrate sa itaas na daig pa ang nanalo sa lotto.
Pero malas nila, kasi… hindi gano’n kadaling mamatay ang misis na gutom sa hustisya (at chismis).
Ngayon, si Didi ay hindi na simpleng housewife. Hindi rin siya multo. Isa na siyang revenant na may unfinished business—at ang business na ‘yon?
Gawing horror attraction ang buhay ng dalawang traydor at manloloko.
May tatlong bagay lang siyang gustong gawin:
1. Ipa-experience kay Benjo at Fina ang “for better or for worse”—heavy on the worse.
2. Siguraduhing hindi na makakatulog nang mahimbing ang dalawang kuneho.
3. At kung may ibang pang kabit na susulpot? Ipakita sa kanila kung anong pakiramdam ng totoong *ghosting*.
Magpa-flash siya sa selfie ni Fina.
Magsasara ng pinto tuwing papasok si Benjo sa CR.
Magsusulat ng “GAGO” sa salamin gamit ang dugo—o ketchup, depende sa budget.
At kapag akala nilang tapos na ang lahat? "May bubulong sa kanila mula sa dilim."
“Surprise, mga bwisit! Na-miss n’yo ba ‘ko?”
Ito ay isang kwento ng asawang binuhay ng galit, kabit na dapat isabit, at isang mister na siguradong mababasa ang salawal sa takot—dahil kung may isang bagay na sigurado si Didi, ito ‘yun:
'Wag kang gago kung hindi mo kayang matulog nang may kasama… kahit mag-isa ka lang sa kwarto.”