30 June 2020
12 June 2020
Naipamahagi na po nitong Hunyo 12 (Araw ng Kalayaan) ang care packs sa 116 jeepney drivers na kabilang sa rotang Sucat-Baclaran! Bagamat tigil pasada pa sa lansangan, tuloy naman ang byahe kanina para maikutan ang mga driver at maiabot ang suporta mula sa ating inisyatibo.
Bawat isa ay nakatanggap ng 10 kilo bigas, sotanghon, sardinas, StarMac macaroni at sari-saring gulay. Mayroon pang 24 drivers na makakatanggap ng care packs sa mga susunod na araw. Ang naging kolektibong ambagan natin sa fundraiser na ito ay makakasuporta na po ng 140 jeepney drivers.
Muli, sa ngalan ng mga driver beneficiaries at ng #DriveforDrivers team, salamat po sa inyong naging tulong upang maging matagumpay ang aksyong ito. Nawa'y patuloy na manaig ang diwa ng pakikipagbayanihan para sa ating kapwa.
Mabuhay! Padayon!
7 June 2020
Maraming salamat sa mga sweet lovers ng mga drivers! Hindi namin inaasahan ang pagratsada ng mga donasyon -- after 2 days pa lang po, boundary na tayo - at sobra-sobra pa!
Kaya kailangan muna naming pumreno sa pangongolekta para sa Unang Kambyo (care packs para sa mga driver) para makapag-focus sa Ikalawang Kambyo (the making of a community garden).
Para po sa nais pang magbigay ng suporta, o mga nais bumuo ng sariling#DriveforDrivers chapter sa inyong lugar, mag-email lang sa amin sa drivefordrivers@gmail.com para sa karagdagang kaalaman.
Abangan sa NEWS section ng site ang tungkol sa distribution at iba pang updates sa pagbubuo ng community garden ng mga jeepney drivers sa Sucat.
Muli, taos pusong pasasalamat sa inyo!
Mabuhay tayong mga Pilipino!
Our goal is to help feed drivers and their families right now, while enabling them to sustainably support themselves in the long-term.