OSY Noon, Sundalo Ngayon

ni: Roldan  C. Manicap

SDO Kalinga

Hindi ko masasabi na isa akong matagumpay dahil isa lamang akong hamak na sundalo”, ito ang naging tugon ni Gng. Alvin Tenay nang tanungin siya tungkol sa kung papaano siya nakarating sa ganung klaseng trabaho gayong isa lamang siyang ALS-passer noong  2007.

Hindi ko maikakaila na isa ako sa mga bata na may katigasan ng ulo noong kabataan ko, mahilig ako makipagbarkada, makipaglaro at makipaglokohan kahit ang dulot nito ay kahihiyan o kaya’y sama ng loob sa aking kapwa.”

Nagsimula ang pagiging drop out ko nung minsan ay nagpupusthan kami ng kapwa ko bata na batuhin ang straight light.  At ang ilaw na ito ay   nasa sa tapat ng bahay ng aking guro noong nasa ikatlong baitang ako.

Ayon kay Tenay, siya mismo ang nakabato sa nasabing straight light kung kayat sa takot na mapagalitan ay hndi na siya nagpapapasok sa kanilang iskwelahan.

Iyon na umano ang simula ng lahat kung kayat napagpasiyahan ng magulang na ilipat sa isang mababang paaralan sa bayan ng Pinukpuk at doon tinapos ang Elementarya ngunit dahil umano ayaw nanaman niyang ipagpatuloy ang sekondarya kaya minabuti na lamang na bumalik siya sa bayan ng Rizal. 

Sa pagbabalik umano niya narinig niya ang tungkol sa Non-Formal Education Program noon na naging Alternative Learning system ngayon. Doon na siya nagtiyaga hanggang sa maipasa niya  ang nasabing pagsusulit. 

Dahil sa opurtunidad na iyon, wala na umano siyang sinayang na oras, agad itong nag-enrol sa Kalinga Apayao State College na ngayon ay Kalinga State University.

Ngunit  hindi na umano  tinapos ang kolehiyo at minabuti nalang umanong pumasok sa Arm Forces of the Philippines matapos makakuha ng 72 units na siyang isang qualipikasyon para makapasok sa kasundaluhan.

 Kinailangan  umano niyang kayanin lahat ng pagsubok at pagsikapan lahat ng mga aktibidad sa loob ng training ground at lubos naman siyang nagpapasalamat sa Diyos sa gabay at lakas ng loob na pinagkaloob sa kanya para matapos  ang lahat ng trainings.

Aniya hindi umano madali ang lahat ngunit kung may determinasyon ka at maganda ang pananaw mo sa buhay makakaya mong  lahat-lahat.

At higit sa lahat lubos umano siyang nagpapasalamat sa kanyang mga guro sa ALS na siya ring naging gabay para maabot niya kung ano man siya ngayon kahit aniya hindi kasing taas ng mga ibang ALS-passer ang naabot niya. 

Aniya nagpapasalamat siya nang dahil sa ALS program nagkaroon siya ng trabaho, delikado man ito pero pinapasa Diyos na lamang niya ang kanyang araw-araw na kaligtasan.

Pinayuhan din ng sundalo ang mga kabataan na bagamat may ALS program para sa mga out-of-school youth ay mas nararapat umanong tapusin lahat ng lebel  para hindi mahirapan.

Si  Sgt.Alvin Tenay, 37 anyos,  residente ng San Pascual Rizal, Kalinga, isang sundalo ay isang proud ALS passer.