DAKILA E-SERBISYO
DAKILA E-SERBISYO
Ang DAKILA E-SERBISYO ay isang makabagong digital initiative ng Barangay Dakila na naglalayong gawing mas mabilis, maayos, at accessible ang mga pangunahing serbisyo ng barangay. Sa pamamagitan ng online pre-application system, maaaring simulan ng mga residente ang kanilang aplikasyon para sa piling barangay documents at makatanggap ng abiso tungkol sa status ng kanilang request.
Layunin nitong mabawasan ang oras ng paghihintay, hindi kinakailangang pagbabalik-balik sa Barangay Hall, at paggamit ng papel, habang patuloy na pinananatili ang personal at assisted services para sa mga nangangailangan nito.
DAKILA e-SERBISYO
“Makabagong Serbisyo, Mas Mabilis na Proseso.”
“Makabagong Serbisyo, Mas Mabilis na Proseso.”
Ang Citizen’s Charter ng Barangay ay isang opisyal na dokumentong naglalaman ng mga serbisyong ipinagkakaloob ng barangay, mga kinakailangang dokumento, mga hakbang na dapat sundin, itinakdang panahon ng pagproseso, mga kaukulang bayarin kung mayroon, at responsableng kawani sa bawat serbisyo. Layunin nitong matiyak ang mabilis, maayos, malinaw, at transparent na paghahatid ng serbisyo publiko, alinsunod sa Republic Act No. 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.
BISYON
"Isang maunlad, ligtas, at nagkakaisang Barangay Dakila kung saan ang bawat mamamayan ay may akses sa dekalidad na serbisyo at oportunidad. Layunin naming maging huwaran sa pagkakaroon ng masigla at makabuluhang komunidad—kung saan ang kalikasan ay pinangangalagaan, ang ekonomiya ay lumalago, at ang bawat isa ay nagtutulungan para sa patuloy na kaunlaran ng buong barangay."
MISYON
"Ang Barangay Dakila ay naglalayong isulong ang pangkalahatang kaunlaran at kapakanan ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, responsableng pamamahala, at serbisyong may malasakit. Tinututukan namin ang pagpapaunlad ng edukasyon, kalusugan, kabuhayan, kapayapaan, at kalikasan upang makamit ang isang inklusibo at progresibong komunidad na nagbibigay ng pantay na oportunidad para sa lahat."
SANGGUNIANG BARANGAY NG DAKILA