Ano ang mga klase ng stickers ang ibinibigay ng AFAB?
Industrial Vehicle Sticker para sa mga nagtatrabo sa loob ng FAB
Hi-Citra Vehicle Sticker para
Public Utility Vehicle Sticker para sa mga pamasadang bus at jeepney
Shuttle Service Vehicle Sticker
Tricycle- Zone I Vehicle Sticker (para sa ITODA, LPCTODA, 1834 Brotherhood, MATOD)
Tricycle- Zone II Vehicle Sticker (para sa BCTODA, FABTODA, BSMTODA, ZII-MTODA)
Magkano at ilang taon ang validity ng stickers?
Ang halaga ng vehicle sticker ay 100 at ito ay valid ng dalawang (2) taon (January 2020-December 2021).
Kung bago ang aking sasakyan at wala pa po akong OR/CR anu ang pwede ipalit na dokumento?
Kung bago ang sasakyan at wala pa ang OR/CR ay maaring magpasa ng mga sumusunod: (1) Certificate of Purchase; (2) Delivery Receipt; (3) Sales Invoice; (4) Certificate of Stock Reported
Kung hindi po sakin naka pangalan ang sasakyan, ano po ang pwede kong ipasa upang makakuha ng FAB sticker?
Kung ang ginagamit na sasakyan ay inyong hinihiram, maari po kayong magpasa ng sulat mula sa may-ari na kayo ay pinapahintulutan gumamit ng kanyang sasakyan kalakip ang kanyang valid ID. Maari rin po kayo magpasa ng marriage certificate kung eto ay nakapangalan sa inyong asawa o Birth Certicate kung nakapangalan naman sa inyong anak. Kung kayo naman po ang pangalawang may-ari, kinakailangang po ng Deed of Sale na notaryado bilang patunay ng inyong pagbili mula sa unang may-ari.
Kung hindi po ako nagttrabaho sa FAB at gusto ko po ihatid ang aking kamag-anak sa loob pwede po ba akong kumuha ng FAB sticker?
Ang paghahatid po sa loob ng FAB Industrial Area ay hindi po natin pinahihintulutan sapagkat ito ay mga kontroladong lugar kaya kinakailangan limitahan ang pumupasok para sa kaligtasan at seguridad ng ating mga manggagawa.
Kung nawala po ang aking dating sticker, paanu po ang proseso ng pagkuha ng bagong sticker?
Para po sa nawalang sticker, ang proseso po sa pagkuha po ng panibagong sticker ay ang sumusunod: (1) Magpasa ng tatlong (3) kopya ng Affidavit of Loss sa CSD Office, ang inyong nawawalang sticker ay aming irereport sa AFAB Police upang hanapin sa loob ng labinglimang (15) araw. (2) Kung ang inyong sticker ay di na natagpuan, dalhin ang mga kinakailangan na dokumento upang makakuha kayo ng panibagong sticker.
Maari po ba akong kumuha ng sticker kung ang aking lisensya ay student license?
Ang student license po ay di namin pinahihintulutan makakuha ng FAB sticker, mangyaring antayin lamang po natin mabigyan tayo ng Land Transportation Office (LTO) ng Nonprofessional/Professional License bago magapply muli ng FAB sticker dito.
Ano-ano ang kailangan kong ihanda para sa online renewal para sa Housing Lease Contract/Residence Hall Agreement/Corporate Lease Contract/Garage Lease Contract/Land Lease Contract?
Upang maging matagumpay ang pagpapasa ng mga kinakailangang dokumento, ihanda ang mga sumusunod:
Computer o smartphone na Android o Apple device;
Isang stable internet connection;
Valid email address gaya ng Gmail o Yahoo! Mail;
Image files na i-a-ipload. Siguraduhing malinaw, valid, at original image file at hindi edited ang mga ito.
Maaari bang mag-apply ng renewal ng aking kontrata ang isang proxy?
Ang online application ay maaaring kumpletuhin ng isang proxy basta’t valid din ang mga impormasyon na ilalagay nito sa online forms.
Mas mabilis ba ang renewal kapag online?
Ang pag-apply ng renewal ng kontrata online ay mas mabilis at mas ligtas ngayong panahon ng pandemya. Ganunpaman, ang proseso ng assessment at evaluation ng mga ipinasang requirements at kinumpletong online forms ay mabusising imo-monitor pa rin ng CSD-FRD.
Paano at kailan ako magbabayad ng processing fee?
Para sa mga mataggumpay na pagsusumite ng online application, makakatanggap kayo ng mensahe sa ibinigay na email. Magsadya sa Community Services Department - FAB Residents Division sa L/G AFAB Administration Building Cashier upang kunin ang inyon payment slip. Pagtapos nito ay magtungo sa Cashier upang magbayad.
May iba-bang panuntunan kapag ako ay nag-renew ng kontrata online?
Mahigpit pa ring ipinatutupad ng AFAB ang mga nakasaad sa FAB General House Rules and Regulations, online man o hindi ang aplikasyon ng lessee.
May magbabago ba sa validity ng kontrata kapag online ko itong i-renew?
Ang online application ng renewal ng kontrata ay naglalayong protektahan ang mamamayan sa pandemya at hindi makakaapekto sa validity ng pag-okupa ng alin mang unit.
Maaari bang magpagawa ng sirang bahagi ng isang inuupahang unit?
Ang kailangan lamang gawin ng isang lessee ay magpadala ng request letter sa AFAB at siguraduhin na ang Kontrata sa tinitirhan ay updated, at walang anumang pending na bayarin sa upa, tubig, o kuryente. Ang liham ay dadaan sa CSD, FFD, at PSSD.
Maaari bang magpasok ng mga biniling personal na gamit sa inuupahang unit?
Ang kailangan lamang gawin ay kumpletuhin o papirmahan ang Entry/Exit Clearance Form mula sa CSD. Hindi maaaring walang pirma ang lessee sa naturang form.
Maaari bang magdagdag ng maninirahan sa inuupahang unit?
Ang isang lessee ay maaaring magpatira ng kanyang kamag-anak o kakilala sa inuupahang unit sa pamamagitan ng pag-update ng Census Form na nasa opisina ng CSD.
Maaari bang ilipat sa pangalan ng iba ang isang Lease Contract?
OO. Pinapayagan ang paglilipat ng Lease Contract sa pangalan ng iba hangga’t ang lessee ay walang anumang pending na bayarin sa AFAB at maayos na sumunod sa mga patakaran nito.
Maaari ba akong magpaupa sa inuupahang unit?
Ang mga may hawak ng Corporate Lease Contract na kadalasang nakapangalan sa mga kumpanya sa loob ng FAB ay maaaring magpaupa ng iba sa unit. (Ang Corporate Lease Contract lamang ang nagbibigay ng ganitong pribilehiyo.)
Maaari ba akong magbenta ng tubig o ng kuryente sa ibang bahay?
HINDI. Ang pagbebenta ng tubig o ng kuryente sa ibang unit ay illegal at hindi makatarungan para sa bumibili nito. Bukod sa ito ay ipinagbabawal ng AFAB, ipinagbabawal din ito sang-ayon sa nakasaad sa batas ng Pilipinas.
Maaari bang magtayo ng garahe o ng kahit anong structure sa isang bakanteng lote?
OO. Hangga’t ikaw ay may patunay na isang formal na liham na ikaw ay pinapayagan at Building Permit mula sa AFAB, maaaring magtayo ng istruktura sa lugar na hindi nasasakupan ng kahit sinong lessee.
A. Basic Requirements
Vehicle LTO Certificate of Registration (photocopy)
Vehicle LTO Official Receipt (photocopy)
Driver's License (photocopy)
Driver's FAB Police Clearance
B. Supporting Documents
Combination of any two (2) of the following:
Certificate of Purchase
Delivery Receipt
Sales Invoice or
Certificate of Stock Reported (CSR)
Authorization Letter to drive the vehicle from the Owner with his valid ID
Notarized Deed of Sale (photocopy)
Marriage Contract or Birth Certificate (photocopy)
Specific Requirements
Delivery Vehicle Sticker
AFAB Business Permit/AFAB Certificate of Registration/Special Permit for Suppliers/Accreditation/Franchisee
Valid Certificate of Employment
HI-CITRA Vehicle Sticker
Valid Housing Lease Contract (HLC) or Corporate Lease Contract (CLC)
Valid Certificate of Employment
Industrial Vehicle Sticker
Valid Certificate of Employment
Public Utility Vehicle Sticker (Jeepney and Bus)
LTFRB Franchise or Decision
PUV Association Endorsement (original)
Shuttle Service Vehicle Sticker
Photocopy of LTFRB Franchise or Decision
Certification as School/Company Shuttle Service
Original List of Regular Passengers
Photocopy of Notarized Contract between the Shuttle Service Provider and the FAB Enterprise
Tricycle - Zone I Vehicle Sticker
Association Membership Certificate with LGU endorsement
Tricycle - Zone II Vehicle Sticker
Association Membership Certificate
Updated Association Parking Fee (for those paying on monthly basis)
Legal Basis:
Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution No. 99-A, Series of 2021 dated 11 February 2021
Coverage:
All foreign nationals who are issued visas pursuant to the Philippine Immigration Act of 1940, as amended, and other special laws governing the visa-issuing agencies including: BOI, PRA, PEZA, CEZA, SBMA, CDC, AFAB, and APECO.
Procedure:
The foreign national shall file for a departure travel pass at least five (5) days prior to the date of departure.
Upon the receipt of approved departure travel pass, the foreign national shall present in printed or electronic form, to the immigration counters as part of the documentary requirements upon departure.
Within three (3) days upon a foreign national’s return to the Philippines, he/she shall inform his visa-issuing agency of the fact of such return by sending electronic copies of his/her passport bio-page, visa sticker, and latest Philippine Immigration arrival stamp to the designated portal of AFAB.
Requirements:
Foreign National Personal Details:
Complete Name;
Date of Birth; and
Nationality.
Travel Details:
Date of Departure/Arrival;
Country to visit; and
Philippine Port of Entry or Exit.
Scanned Passport bio-page showing:
visa sticker; and
latest Philippine Immigration arrival stamp.
FAB issued visa status:
visa type;
visa number; and
visa valid until.
Important:
The Travel Pass is single-use.
It is valid within thirty (30) days from its date of issuance.
It can be presented printed or electronic form, to the immigration counters as part of the documentary requirements upon departure/arrival.