Sa Panahon na kami ay nagbakasyon
Magandang araw sa inyong lahat, ako nga oala si Christy Joy A. Casil, sa blog na ito gusto ko lang ibahagi sa inyo yung mga panahon na kami ay nagbabakasyon sa Ilo-ilo "The City of Love", samahan ninyo ako na ibahagi ang puno ng mga kasiyahan at mga alaala sa panahon na iyon.
Minsan sa buhay natin kahit maraming pagsubok ang dumating kailangan din nating magbakasyon. Noong nakaraang. Agusto 27, 2023, kami ay bumabyahe kasama ang aking pinsan at ang kanyang pamilya, alas kwatro ng madaling araw at nakarating kami sa Bacolod mga ala una ng hapon. Pagkatapos ay sumakay kami ng tricycle papuntang port para sumakay ng barko papuntang iloilo mga isang oras at kalahating mknuto bago kami nakarating sa port ng iloilo. Sa mga panahon na iyon ay sobrang napakasaya ko dahil nga first time akong nakapunta sa lugar na yun pagkarating namin dun ay walang pagod na nararamdam dahil nakuha pa naming gumala. Araw araw kaming gumala dahil sinulit namin yung isang linggo doon, pagka-24 ng agusto ay naliligo kami sa isang restaurant na may napakagandang tanawin at may mga masasarap na pagkain. Ang mga tao doon ay napakafriendly at hindi suplado/suplada.
Ang panahon na yon ay isang alaala sa aking buhay na puno ng memories at kasiyahan. Nawa'y nagustohan ninyo ang blog na ito.