SA TAONG DESERVING NG SAGING
"Wag na po kayong pumunta. Gabi na." Chat mula sa isang member na pilit na inaaliw ang leader at mga kasama na wag na tumuloy sa pag home visit.
Teka, gabi na pala noh? Tayo na nga lang ang laman ng jeep. Sa totoo lang nagpapahinga na tayo sa mga oras na ito. May Sunday Service pa bukas. Mas okay na sanang nagpapahinga ka. Humigop ng mainit na sabaw at lasapin nag mainit-init na kanin sa masarap na ulam.
Pero, mas may kailangan pa akong gawin...magbisita. Yung pilit na ilalakad ang paa at gagalawin ang kamay makaabot lang ang taong 'mahalaga'. Yung pilit na papalawakin ang pag-unawa at papayabungin ang puso para lang mag-abot...ng saging.
Saging lang naman yun. Kwarenta Pesos sa kanto.
Nakakapagod, bibiyahe ka pa. mamasahe ka pa. Pero sabe kasi sa Bibliya, "And whoever forces you to go one mile, go with him two. (matthew 5:41)" Andito na din lang ako, gagawin ko na best ko.
Actually, I deserve rest. PERO SOMEBODY DESERVES THESE BANANAS. Somebody deserves someone to talk to, to lean on, to cry on, and to simply be with. Simpleng 'pray tayo', 'tara, lapit kay Lord' are big help tapos sabayan pa ng 'oh, ito para sayo, saging.'
Pero teka, saging lang naman yun ah? Pero yung saging na yun, may buhay na inabot.
Minsan din naman akong inabutan ng saging, ngayon ako naman.
SA TAONG DESERVING NG SAGING, importante ka. To all 'saging bearer', salamat sa puso nyo
_____
He restores my soul. He guides me in paths of righteousness for his name's sake (Psalms 23:3).
Patuloy tayong mag pa-restore ng soul so that we can be an instrument to those who battle the same. Continue to give 'saging'. Continue to be like CHRIST.