Legal Paternity
Standard Paternity (Peace of Mind)
Proudly Authorized by DDC as a Distributor
DDC Laboratory Maintains Multiple Accreditations
DDC is a leader in DNA testing and other personalized diagnostics, we are committed to providing accurate results you can trust.
Since 1995, customers have trusted DDC with over 20 million DNA tests.
Marami sa ating mga kababaihan ang nagiging biktima ng mga lalaking pagkatapos mabuntis ay basta na lang nawawala, iniiwan kang mag-isa sa responsibilidad na hindi mo naman ginusto na ikaw lang ang bumuhat.
Kung ikaw ay isang single mom na hirap na—hindi mo alam saan kukuha ng panggastos, paano bubuhayin at pag-aaralin ang anak mo—CebuGen DNA Solutions ay narito para tumulong sa'yo.
✅ Makamit ang hustisya
✅ Mapatunayan kung sino ang ama
✅ Makakuha ng suporta para sa iyong anak
Ang DNA test ang unang hakbang tungo sa kapanatagan at suporta na karapat-dapat sa inyo. Legal, mabilis, at maaasahan.
CebuGen DNA Solutions — Kakampi mo sa laban, para sa kinabukasan ng anak mo.
Para sa mga batang naagawan ng karapatan—panahon na para lumaban.
Maraming anak o kamag-anak ang nawawalan ng karapatan sa mana o ari-arian ng kanilang magulang dahil sinasabing hindi sila ang tunay na anak—walang sapat na patunay, kaya nawawala ang dapat ay para sa kanila.
Kung ikaw ay isang anak, bata, o indibidwal na tinanggalan ng karapatang tumanggap ng mana, kabilin, o bahagi sa last will and testament ng iyong magulang dahil sa kakulangan ng ebidensya…
CebuGen DNA Solutions ang sagot.
✅ Legal na DNA test
✅ Mabilis at maaasahan
✅ Maaaring gamitin sa korte bilang ebidensya
Sa tulong ng CebuGen DNA Solutions, maibabalik ang hustisya at karapatang para sa iyo.
Tony
Isang kwento ng pag-asa at katotohanan
Ako si Tony, isang estudyante sa isang unibersidad dito sa Cebu. Lumaki ako na hindi kilala ang aking ama. Ang nanay ko ay nabuntis sa isang mayamang negosyante na may-ari ng isang gold store dito sa Cebu. Mula pagkabata, hirap na hirap kami sa buhay—gastos sa pagkain, pang-araw-araw, at higit sa lahat, sa aking pag-aaral.
Habang ako’y lumalaki, tinanong ko ang mama ko, “Sino ang papa ko?” Sabi niya, buhay pa raw ang papa ko at isa siyang kilalang mayaman na negosyante. Doon ko naisip—may karapatan din ako. Karapatan sa pagkilala, at karapatang makatanggap ng suporta sa aking edukasyon at kinabukasan.
Isang araw, pinuntahan ko ang address na ibinigay ni mama. Nagpakilala ako. Hindi makapaniwala ang papa ko. Ni yakap niya ako. Pero hindi naging madali ang lahat—dahil may pagdududa ang kanyang pamilya. Sabi nila, “Wala tayong kasiguruhan kung anak mo talaga ’yan.”
Doon ko nalaman ang halaga ng DNA testing.
Bumisita ako sa CebuGen DNA Solutions at nagpa-DNA Paternity Test. Ang sample ay ipinadala sa DDC USA sa Ohio. Pagkalipas ng 16 na araw, dumating ang resulta…
Ako nga ang tunay na anak niya.
Ngayon, may peace of mind na ako. Tinatanggap at tinutulungan na ako ng papa ko. Sagot na niya ang aking pag-aaral at mga personal na pangangailangan.
Masaya ako, dahil nakita ko na ang ama ko. Masaya rin ang mama ko, dahil sa wakas, naituwid ang matagal naming pinasan.
Salamat sa Diyos na hindi Niya kami pinabayaan.
At higit sa lahat—Mabuhay ang CebuGen DNA Solutions!
— Tony