WELCOME CALHIDOS! 

ESP LEARNING CAPSULE

     Ang ating paaralan, na nagkakaloob ng edukasyon para sa mga mag-aaral ng baitang pito (7) at baitang walo (8) ay buong pusong naghahandog ng Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) Learning Capsule upang magsilbing gabay sa inyong paglalakbay tungo sa paghubog ng mabuting pagkatao at matatag na pagpapahalaga. Ang Edukasyon sa Pagpapakatao ay isang mahalagang asignatura dahil itinuturo nito ang tamang asal, wastong pag-uugali, at mga pagpapahalagang magagamit ninyo sa pang-araw-araw na buhay. Sa pamamagitan nito, kayo ay matututo kung paano rumespeto sa kapwa, magmahal sa pamilya, maging tapat sa sarili, at tumulong sa pagtataguyod ng isang makatao, makadiyos, makakalikasan, at makabayang lipunan.


   Hinihikayat namin kayong tanggapin nang may bukas na isipan at masigasig na damdamin ang mga aralin sa asignatura, sapagkat ito ay hindi lamang magbibigay sa inyo ng karunungan kundi higit sa lahat ay magpapatibay ng inyong pagkatao. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang kayo ay maging mas mapanagutan, mas magalang, at mas mapagmahal na kabataan. Ang bawat aralin na inyong matututunan ay magiging hakbang sa pag-abot ng inyong mga pangarap at sa pagiging mabuting mamamayan ng ating bansa. Tandaan, ang tunay na tagumpay ay nasusukat hindi lamang sa talino kundi sa kabutihan ng asal at katatagan ng loob.