Basahing mabuti ang mga sumusunod na sistema ng BOSS Selection Tryouts.
EDAD
Dawalang age group and maaaring salihan ng bawat player - 18U at 15U.
Mahalagang may nakahandang katibayan ng edad ang bawal player na interesadong sumali sa team. Gagamitin ito sa mga paligang sasalihan ng team na kadalasan at naghahanap ng mga katibayan ng edad at pagkakakilanlan na maaaring alin man sa mga sumusunod:
Birth Certificate (PSA)
Government ID (National ID, Postal ID, Voter's ID, etc.)
School ID na nagpapakita ng araw ng kapanganakan
Vaccination Card
Pre-Screening
Sa dulo ng form na ito, irerequire ang mga interesadong players na magsubmit ng video na may habang 90 seconds max.
Ang video na isusubmit ay mga kuha sa actual na mga laro na nagpapakita ng galing, teknik, talino at diskarte ng player sa kanyang role.
Mula sa mga videos na maisusubmit, pipili ang BOSS League Team ng mga iimbitahin para sa face-to-face tryouts. Ang detalye kung kailan at saan gaganapin ang face-to-face tryouts ay malalaman lamang ng mga napili mula sa pre-screening process.
Face-to-face Tryouts
Mag-iimbita ang BOSS League ng mga coaches upang tulungan ang grupo na makabuo ng team mula sa mga nakapasa sa pre-screening.
Unang parte ng face-to-face tryouts ay ang DRILLS. Maaaring hindi makapagpatuloy ang isang player kung tingin ng mga coaches at juries ay hindi nito nasusundan ang mga basic drills na kanilang ipinapagawa.
Lahat ng papasa sa DRILLS ay sasalilalim sa SCRIMMAGE kung saan magkakaroon ng mga actual na laro kung saan kailangan maipakita ng mga players ang kanilang skills sa role na kanilang nilalaruan. Hindi lamang sa puntos, assist at rebound, kundi kasama rin ang teknik, talino, diskarte at attitude ng player sa mga titignan ng mga coaches at juries.
Kapag matapos ang mga SCRIMMAGE ay mas marami sa 15 na 18U players at 15 na 15U ang napili ng mga coaches and juries, muling iimbitahin ang mga ito para sa FINAL TRYOUTS.
FINAL TRYOUTS
Maglalaro ang mga players ng full games kung saan maaari nilang ipakita ang kanilang kakayahan at talento.
Mula sa mga larong ito, pipili ng mga magiging miyembro ng Boss Selection 18U at Boss Selection 15U Rosters.
Ang mga mapipiling miyembro ay direktang kakausapin ng Boss League.
Ang desisyon ng coaches at juries sa pagpili ng mga miyembro ng Boss Selection ay pinal at hindi maaaring baguhin matapos ang tryouts.
Para sa iba pang katanungan, maaaring mag-message sa Boss League page.