Ang isang E-Portfolio ay isang koleksyon ng mga electronic na ebidensiya na binuo at pinangangasiwaan ng isang gumagamit, kadalasan sa Web. Maaaring may kasamang elektronikong ebidensiya ang input text, electronic file, imahe, multimedia, mga entry sa blog, at mga hyperlink. Ang E-portfolio ay parehong demonstrasyon ng mga kakayahan at plataporma ng gumagamit para sa pagpapahayag ng sarili. Sa e-Portfolio na ito ay makikita ang ilang halimbawa ng mga uri ng akademikong sulatin ng mga estudyanteng may ari ng e-portfolio na ito. Ang akademikong pagsulat ay intelektuwal na pagsulat na na-aangat sa antas ng kaalaman ng mga mambabasa. Hindi ito opsiyon para sa mga akademiko at propesyonal. Ito ay isang pangangailangan. Ang paggawa ng portfolio ay nakatutulong para maging mas-organized ang estudyante at maging responsable sa kanilang mga importanteng mga gawain. Mahalaga ito dahil matutunan ng estudyante ang pagiging responsable at pagiging organized.