Magsadya sa mga tanggapan ng BSJMC at humingi ng Membership Application Form o sagutan ang online membership application ng samahan.
Ipasa ito kalakip ang mga sumusunod na requirements:
Photocopy ng Dalawang Valid ID
Photocopy ng Billing Address at katunayan ng Tirahan (Electric Bill, Water Bill, Barangay Clearance)
Tax Identification Number (TIN)
Dumalo sa Pre-Membership Education Seminar (PMES). Ang PMES ay isinasagawa ng appointment basis. Ipapaalam sa mga interesadong miyembro ang persa, oras, at lugar ng seminar sa pamamagitan ng text message. Ito rin ay maaaring isagawa ng online sa pamamagitan ng Google Meet o Zoom
Ihanda ang kinakailangang halaga ng babayaran sa pagsapi:
REGULAR MEMBER
P50000.00 Share Capital
P350.00 Membership Free
P650.00 MTNMTP Savings with Damayan
ASSOCIATE MEMBER
P500.00 Share Capital
P350.00 Membership Fees
P650.00 MTNMTP Savings with Damayan
Kuhain ang inyong passbook sa tanggapan.
Magsimula nang mag-impok o makapangutang.
Makadalo at magkatanggap ng mga financial at social service benefits gaya ng:
Ownership Seminar, Financial Literacy Seminar at General Assembly Meeting na isinasagawa isang beses kada taon.
Livelihood Trainings and Seminars na isinasagawa ng per schedule basis.
Medical Missions
Feeding Programs
Relief Operations and Assistance sa mga apektadong kasapi.
Hospitalization Assistance Benefit sa mga kasaping naospital o sumailalim sa operasyon. P500.00 - P2,000.00.
Bereavement Assistance o tulong na may halagang P1,000.00 sa yumaong immediate family member ng kasapi.
Burial Assistance o tulong pinansiyal sa yumaong kasapi na may halagang P5,000.00
May Tulong na, May Tubo Pa (MTNMTP) o tulong damayan sa yumaong kasapi ng samahan na hindi na bababa sa P50,000.00.
Diskwento sa Pavilion de Bayanihan para sa mga kasapi.
COOPERATIVE NETWORK