SORSOGON
ni: Mansour Tolosa
Feel free to share your talent and creativity! Share your work now!
ni: Mansour Tolosa
Sorsogon, oh aking minamahal na tahanan
Lugar na aking pinanggalingan
Lupang napapalibutan ng dagat at kabundukan
Taglay ang kagandahang di matutumbasan
Ngunit, mas higit sa ganda ng lupa at dagat
Katangian ng tao'y pusong tapat
Sa bawat kabiguan, bayan ay iaahon
Mga mauurag at matatalinong Sorsoganon
Sa oras ng pangangailangan, pagkakaisa ang kailangan
Bawat isa’y handang magbigay ng tulong at kaalaman
Sa gitna ng unos, bayan ay hindi iiwan
Pagmamahalan at dangal ang sandigan sa buhay ng bayan
Sa pagkakaisa’t pagtutulungan, bayan ay ilalaban
Dangal at pagmamahal ang gabay sa bawat sandigan
Pagmamalasakit at bayanihan
Ang susi sa pag-unlad ng bayan