KWADERNO
ni: Jazmine Golloso
Feel free to share your talent and creativity! Share your work now!
ni: Jazmine Golloso
Sa mundong lahat ay nakakapagod,
Ikaw ang nagsisilbing pahinga.
Kapag lahat ay hindi kalugod-lugod,
Sa'yo, ako'y kumakalma.
Sana sa bawat buhay,
Ikaw ay matagpuan.
Kahit hindi magnilay,
Ikaw lang ang patutunguhan.
Walang ibang hinahangad,
Iyong puso't atensyon lamang.
Kahit hindi ito matupad,
Ako'y mananatiling sa'yo lang.
Bawat salitang isinulat,
mananatili sa'king kwaderno.
At kapag ito'y binuklat,
naroon ang istorya ng ikaw at ako.