BITUON NIN DISYEMBRE
ni: A'marie Magdasoc
Feel free to share your talent and creativity! Share your work now!
ni: A'marie Magdasoc
Sa bawat buwan at taong dumaraan, sari-saring karanasan ang nag-iiwan ng bakas. May mga nagsilbing gabay at aral, at mayroon ding naging bahagi lamang ng alaala. Isa sa mga tumatak sa aking buhay ay ang buwan ng Disyembre; huling buwan sa kalendaryo. Isang rason lang naman ito, nagtagpo ang mga landas hanggang sa tuluyang nagsilbi kang buong mundo, laging hinihiling na huwag sanang ihipin ng hangin at maglaho.
Noon pa man, sa bawat pagsikat ng araw, liwanag ang sumasalubong—kulay dilaw na kaligayahan minsan ang nangingibabaw, umaasa na ika'y matanaw. At sa di inaasahang panahon, ikaw ay tuluyang kong nakasama at nakausap. Kahit ayaw ko man noon, wala akong magawa kundi sundin ang tibok ng puso’t na ipaglaban ang tayo, kahit pa masaktan ako nang todo. Ngunit pinangako kong aalagaan ko na ang sarili kong dangal— na bago ko ibigay ang buong ako, titiyakin ko munang hindi ako ang mauubos. Sapagkat natutunan ko na, ang pag-ibig ay hindi dapat isinusugal ang sariling halaga, at ang puso’y hindi nililimos, kundi kusang iniaalay sa tamang tao.
Bagamat ang aking mga hiling ay ipinangakong mong tutuparin. At tuwing may pagsubok na darating, ikaw ang unang nilalapitan, dahil isip ay naging tahimik kapag ika'y nariyan. Aaminin ko na may pagkakataon na hindi sigurado, may mga bagay na laging sumasagip sa isipan na "bakit ganto?" ngunit sa kabila ng lahat, pinili pa rin kitang mahalin kahit maraming alinlangan, kahit paulit-ulit ang sakit na pilit kong nilulunok. Pinili kitang unawain sa gitna ng hindi pagkakasundo, at yakapin ang mga pagkukulang mong minsan ay sugat sa aking damdamin. Dahil sa totoo, ako'y di rin naman perpekto, may pagkukulang din gaya ng sayo.
Kun ma-alala mo man, bawat pagtambay nato sa luwas, dai namamalayan kun paanong naglalabay an oras. Nag luwas san hapon na may adlaw, hanggang sa bituon nalang sa kalangitan an sakong natanaw, pero an saimong liwanag an paborito kong imudon— mas makinang pa sa gabing puno nin bituon. Oras ay tumatakbo, pirmi kong hinihiling na sana dai ka magpareho sa mga taong ginagawa an mga bagay na sabi ninda dai ninda gigibuhon. Lalo't na umaasa ako na ikaw, kita, pirming makakahanap nin rason para magbalik sa isa’t isa. Dahil sa mundong nakakapagod, ika an naging pahinga ko, maski pa pansamantala lang. Pero kung sakaling maitao mo man sa iba an saimong pagkamoot, sana dai mo malimutan na sinubukan ko man yun ibigay saimo nin buo—sinsero asin wara nin pagduha-duha.
Kay gaya nga ng mga bituon, ang kaliwanagan mo ang tumatak sa isipan ko; Isang taong gusto kong ibigay ang lahat, kasabay ang mga yakap kong tapat.