Lungkot na lungkot si Jay nang makita niyang hindi na gumgalaw si Boogie. Tahimik na tahimik ito. Hindi na humihinga. Hindi mapigilan ni Jay ang umiyak. Paano nama'y matagal din niya itong naging kasama-kasama at kalaro. Pakiramdam niya'y parang siyang nawalan ng kaibigan.
"Huwag ka nang umiak. Anak. Maghahanda tavo na isana magandana libingan para kay Bogie. Ilalagay natin siya sa isang ataul na may kumot na makintab. Tapos pagagawan natin siya ng
sang lapida na magsasaad ng kanyang kabutinan bilang isang alagang hayop. Araw - araw, dadalhan natin siya ng mga sanwang bulaklak mula sa hardin ng yong Nanay at babakuran din natin ang kanyang libingan upang hindi na siya magambala.
Pagkarinig nito, pinunasan n Jay ang kanyang mga mata at naging masigla siya kaugnay ng kanilang proyekto ng kanyang tatay. Nang handa na ang lahat ng makiklisa sa libing - Tatay, Na-nay, katulong at si Jay, agad-agad na nga nilang nilapitan sI Boogie, ngunit wala na roon ang bangkay ni Boogie.
Walang anu-ano, nakita nila si Boogie na papalabas mula sa ilalim ng mga punong rosas ng kayang ian - masiglang - masigla habang nginangatngat ang isang lumang tsinelas. Biglang napatitig SI Jay sa kanyang latay. Bakas na bakas sa kanyang mukha ang labs na panghihinayang, sabav sabing "tayo na patayin natin siya."
Si Alex ay isang mag-aaral sa kolehiyo na nagmahal ng isang babaeng nagngangalang Ederlyn De Vivarre. Hindi naman niya inasahan na magkakasama pala sila sa iisang klase, kaya sa hindi inaasahang pagkakataon, sila ay naging malapit sa isaβt isa.
Lalong nahulog ang loob ni Alex kay Ederlyn.
Patapos na ang ikalawang semestre noon. Kung kayaβt hindi mapiglan ni Alex na gumawa ng paraan upang ipagtapat na kay Ederlyn ang kanyang nararamdaman. Gumawa siya ng sulat at inipit ito sa aklat na nasa mesa ni Ederlyn habang break time ng mga estudyante.
Pag uwi sa bahay, hindi mapakali si Alex dahil nag-aalala siya sa kung anong mangyayari matapos basahin ni Ederlyn ang sulat. Kinabukasan, hindi siya pinapansin o kinakausap man lang ni Ederlyn. Ganito nang ganito ang pangyayari sa dalawang araw matapos niyang ibigay ang sulat. Sa sobrang lungkot na tila ba gumuho na ang mundo ni Alex, hindi na siya nakapagpigil na lapitan at kausapin si Ederlyn. Ngunit bago pa man siya makapagsalita, may iniabot si Ederlyn na maliit na papel sa kanya sabay alis na wala man lang siyang narinig na anumang salita mula dito. Nang buklatin niya ang papel, isa pala itong imbitasyon sa isang piging na gaganapin sa bahay nila Ederlyn.
Kinabukasan ay pumunta siya sa piging. May kalayuan at liblib pala ang lugar nitong si Ederlyn. Pagkarating niya doon, agad na may sumalubong sa kanya na isang karwahe. Lulan ng sasakyang ito si Ederlyn. Iniaabot ni Ederlyn ang kanyang kamay kay Alex upang pasakayin sa karwahe.
Pagkarating nila sa isang malaking hardin, napansin ni Alex na tila siya lamang ang naiiba sa kanilang lahat dahil ang lahat ng taong nandoon ay pawang mga dugong bughaw. Ang kulay ng kanilang mga buhok ay ginto. Lahat sila ay mapuputi at anyong mayayaman.
Hindi naman niya naramdamang siya ay naiiba sakanila pagkat ang mga tao doon ay mababait at may pakisama sa kaniya. Kahit pasulyap-sulyap lamang siya kay Ederlyn, ang gabing iyon ay maituturing niyang pinakamasaya sapagkat nakasama niya at nakilala ang pamilya ni Ederlyn.
Ngunit, biglang nawala ang lahat at tila ba naglaho na parang bula ang mga tao sa paligid maging si Ederlyn. Nagising siya sa isang kwarto na tila ba pamilyar sa kanyang paningin. Nakita niya ang kanyang ina na tuwang-tuwa at nagpapasalamat dahil nagising na ang kanyang anak.
Matapos magising sa katotohanan, ikinuwento ng kanyang ina ang lahat ng nangyari sa kanya sa loob ng isang linggo.
Sinabi ng kanyang ina na isang linggo na raw siyang wala sa sarili. Wala siyang kilala kahit isa sa kanyang mga kamag-anak at lagi raw siyang nakatulala. Nagsimula raw ito matapos siyang matagpuan ng isang lalaki na nakahandusay sa gitna ng kalsada sa isang di-kilalang lugar.
Nagising na lamang daw siya nang may isang batang hindi taga-roon ang nag-abot ng isang maliit na papel sa kanyang ina. Binigay ng ina ang sulat kay Alex. Binuksan niya ito at nakasulat ang mga salitangβ¦
Kami man ay marunong ding magmahal.
β Ederlyn
Isang araw, pumunta sa Aling Marta sa palengke upang bumili ng ulan para sa hapunan. Ngunit, nung siyaβy kailangan ng magbayad, hindi na niya ma hanap ang kanyang kalupi.
Inalala ni Marta na bago siya pumunta sa palengke ay nabangga siya ng isang batang lalaking may maruming maong at punit-punit na kamiseta. Kaya naman, hinabaol kaagad ni Marta ang bata at inakusahang nagnakaw.
Pagkatapos nito, tumawag pa si Aling Marta ng pulis ngunit wala sa bata ang nawawalang kalupi. Subalit, pinilit pa rin ni Marta na ang bata talaga ang nagnanakaw.
Kaya naman pumunta sila sa outpost upang ang isyu nila ay masuri ng maigi. Pinilit ni Aling Marta na paaminin ang bata sa pagnakaw at sinaktan pa ito.
Pero, Nagpumiglas ang bata at nakawala. Dumiretso ito sa isang maluwang na daan ngunit siya ay nabangga ng isang mabilis na sasakyan. Matapos ang ilang sandali, namatay agad ang bata. Umalis si Marta sa outpost at bumalik sa palengke. Nangutang na lamang ito para makabili ng ulam para sa hapunan. Noong pabalik na siya sa kanyang bahay, nakita niyang ang kanyang mag-awa na nagtataka kung paano siya nakabili ng ulam. Nagsinungaling si Aling Marta at sinabi na ginamit niya ang pera mula sa kanyang pitaka. Ngunit, Sinabi ng kanyang asawa na naiwan niya ang kanyang pitaka at nawalan siya ng malay habang paakyat ng hagdanan.
Ang kwentong ito ay nagsimula sa Istaked. Dito, pinagkaguluhan ng mga tao si Tata Selo. Ang dahilan kung bakit ponagkaguluhan siya ay pinatay nya si Kabesang Tano na may-ari ng lupang kanyang sinsakahan. Nataga ni Tata Selo ang Kabesa dahil pinaalis siya sa kanyang lupain ngunit tumanggi at pinagpilitan ni Tata Selo na kaya pa niyang magsaka pero tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa sa noo paliwanag niya sa binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa Alkalde at maging sa Hepe na nagmalupit sa kanya sa loob ng istaked na pawang mga kilala ng Kabesa.
Isang araw, dualaw si Saling, ang kanyang anak. Naninirahan si Saling dati sa Kabesa at nanilbihan, subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit ito makalawang araw bago ang insindente. Nakahabag si Tata Selo nang inisip niyang puwiin si Saling dahil wala na siyang magagawa. Pinatawag ng Alkalde si Saling sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama nito.
Dumating muli si Saling at inutusan upang pumunta sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi ito papasukin, sabi ng kaniyang anak. Hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito na βinagaw sa kanya ang lahatβ.
βMabutiβ ang tawag ng mga mag-aaral sa gurong iyon. Ito ang naging pangalan niya dahil marami siyang kuwentong kapupulutan ng kabutihan. At higit sa lahat, βMabutiβ ang naging palayaw niya dahil hilig niyang sambitin ang βmabutiβ sa kaniyang mga pahayag.
Dahil sa angking husay sa pagtuturo at mabuting kalooban, naging idolo ng mag-aaral na si Fe ang kaniyang guro na si Mabuti. Hangang-hanga siya sa guro na maliban sa magaling nang magturo, ay lagi pang ipinagmamalaki ang kaniyang anak.
Gayunman, isang araw, mayroong mababaw na suliranin si Fe. Dahil doon, nagpunta siya sa silid-aklatan kung saan walang tao upang umiyak. Ilang sandali pa ay dumating ang kaniyang gurong si Mabuti at nakinig sa kaniyang salaysay. Maya-maya pa, hindi na rin napigilan ng gurong umiyak. Doon nalaman ni Fe na kahit ang magiliw at mahusay na gurong si Mabuti ay may suliranin din.
Napag-alaman ni Fe matapos ang ilang araw ang dahilan ng pag-iyak ng gurong si Mabuti. Natuklasan pala ng guro na hindi siya ang unang asawa ng kabiyak na doktor. Nalaman niya lamang nang pumanaw ang asawang doktor at hindi maiburol sa kanilang bahay.
Lumipas ang mga panahon at hindi na guro ni Fe si Mabuti. Ngunit nananatili ang kabutihan nito at inspirasyon sa kaniyang buhay.