Ano po ang naging experience ninyo sa Bambanti Festival?
"Nanood po kami ng Queen Isabela, tapos naglibot-libot sa venue. Nag-picture din po kami sa mga flute at sa mga kubo na naka-display doon."
Bakit po kayo naengganyong pumunta?
"Naengganyo po kami pumunta kasi first time po naming makapasok nang libre at makakita ng ganitong klaseng selebrasyon. Marami pong ilaw at maraming magagandang lugar na puwedeng pasyalan at kuhanan ng litrato, kaya talagang na-enjoy po namin."
Ano para sainyo ang Bambanti Festival?
"well para saakin ang bambanti festival hmm, its a famous festival na kilala dito sa luzon and dito sa isabela kilala ito bilang top honors sa mga farmers and to nurture it at sa mga land.... cine-celebrate ito para bigyan ng protection at bigyan ng parangal ang mga farmers and sa agriculture natin as a ilocano and isabeliños."
- Divine Aquino
Ano para sa'yo ang bambanti festival?
Para sa akin, ang Bambanti Festival ay pasasalamat sa biyaya ng ani at sa sipag ng mga magsasaka. makikita ang pagkakaisa ng buong isabela at ang pagpapahalaga sa ating culture.ng mga araw na ang kabuhayan ay nakasalalay sa lupa at sa sipag ng kamay ng magsasaka. Ang bambanti, na dati’y panakot sa ibon, ngayon ay naging simbolo ng pag-asa at kasaganahan. Sa tuwing cine-celebrate ito, naaalala natin na ang bawat ani ay bunga ng tiyaga, pagkakaisa, at dasal. Ito Ipinapakita nito na kahit simple ang buhay, basta sama-sama at may pasasalamat, masaya at masagana ang pamumuhay.
-Gelo Madamba
Ano para sayo ang bambanti?
Para sa akin, ang Bambanti Festival ay isang makulay at makabuluhang pagdiriwang na sumasalamin sa pagkakakilanlan at kultura ng mga Ilokano, lalo na sa lalawigan ng Isabela. Ipinapakita nito ang pasasalamat ng mga magsasaka sa masaganang ani at ang mahalagang papel ng agrikultura sa ating buhay. Sa pamamagitan ng mga makukulay na kasuotan, sayaw, at pagtatanghal, naipapakita ang pagkakaisa, kasipagan, at pagkamalikhain ng mamamayan. Higit pa rito, ang Bambanti Festival ay hindi lamang selebrasyon kundi paalala rin ng kahalagahan ng paggalang sa kalikasan at sa mga taong nagbibigay-buhay sa ating bayan.
- Alexis Baylon