Ang Europa ay kilala sa malakas na pwersa nito sa iba't ibang larangan. Ngunit hindi maipagkakaila na ang malakas na pwersa nito ay humina at nag resulta sa pagbagsak ng mga Romano na naging dahilan upang ang Europa ay humantong sa madilim na panahon nito. Sa araling ito, ating tatalakayin ang muling pagkakaroon ng katanyagan ng Europa lalo na sa bansang Italya. Ating hihimayin ang mga naging salik upang ito'y gumapang ulit pataas mula sa pagkakabagsak nito na tinawag na Renaissance.
Layunin ng Aralin:
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan ang mga mag-aaral ay:
Natutukoy ang pagpapakahulugan sa Renaissance.
Nakapagtitimbang ng mga naging dahilan ng pag-usbong ng Renaissance sa Italy.
Nakakalikha ng exhibit na naglalahad ng iba’t ibang pangunahing kalakal at pamumuhay ng Italya at bawat lungsod-estado nito.
POWERPOINT PRESENTATION
BANGHAY ARALIN