Larawan mula sa GMA Integrated News.
Larawan mula sa GMA Integrated News.
Nagbigay ng opisyal na pahayag ang Philippine Air Force (PAF) kaugnay sa kasalukuyang kalagayan ng kanilang mga operasyon, modernisasyon, at kahandaan sa pagtugon sa mga banta at kalamidad sa bansa, sa isang press conference na ginanap noong Nobyembre 5, 2025, ayon sa ulat ng GMA Integrated News.
Isang malaking batya ng tubig na puno ng dumi at kasinungalingan. Iyan ang larawan nabumabanggit sa mga kasong kaugnay ng mga proyekto para sa pagkontrol ng baha, na ngayonay nagdudulot ng bagong uri ng pagbaha ng galit ng mamamayan. Samantala, ang mga kalapating pag-asa na hinahangad ng mga pamilya ng mga nawawalang sabungero ay patuloy nanaghihintay na makapaglagpak ng mga pakpak sa langit ng katarungan.
Niyanig ng bagsik ng himpapawid ang isang Super Huey Helicopter na kabilang sa aksidentenoong ikaapat ng Nobyembre, taong 2025 habang nagsasagawa ng Rapid damage assessment. Ayon sa PAF Spokesperson na si Col. Ma. Christina Basco, anim na katao ang sakay ngsasakyang panghimpapawid, kabilang dito ang piloto at mga crew. Kasagsagan daw umano ngpagsalakay ng bagyong Tino sa ating bansa nang sila ay lumipad mula Davao hanggang Butuan. Kung tutuusin ito ay isang aksidenteng nakasisindak sapagkat ang kalikasan na ang kalaban ngisang indibidwal. Tila isang pagsubok na nakapanglulumo at nakapanghihina ng pag-asa namakawala sa tanikalang iginapos ng kalikasan sa anim na taong kabilang sa aksidente.
Dibuho ni Ruqiyah Ingrid