School Parent-Teacher Association (SPTA) PAGPUPULONG SA PAARALAN
NG DON MARIANO MARCOS NATIONAL HIGH SCHOOL
3rd GENERAL SPTA MEETING
IKA-8 NG PEBRERO, 2024_7:30 AM
DON MARIANO MARCOS NATIONAL HIGH SCHOOL
SCHOOL AMPHITHEATER
MARLON P. BUZA, HTIII
Presentation of Accomplishment & Achievements
LEODINDA M. GAFFUD, TIII
49th Foundation Day Celebration
ANIE MAY BARROGO, TII
LIWLIWA C. ENFECTANA, TIII
JS Promenade
SPTA TREASURER
Schedule of Collection by SPTA Treasurer
ADVISERS
Distribution of Cards
Sa pagpasok ng bagong taon, isang mahalagang pagkakataon ang pagdarausan ng pagpupulong ng Sangguniang Pangkalahatan ng mga Tagapayo sa Paaralan (SPTA). Ito ang oras kung saan ang mga magulang, guro, at mga tagapayo ay nagtitipon upang talakayin ang mga mahahalagang isyu at layunin para sa ikauunlad ng paaralan at ng mga mag-aaral, na ginanap sa bulwagan ng paaralan, ika-8 ng Pebrero, 2024.
(Larawang kuha ni Llarinas, Arman Jhun P.)
LAHAT NG MGA MAGULANG AY NAGTIPON-TIPON
Ang mga magulang ng mga mag-aaral ng DMMNHS ay nagtipon-tipon para sa isang kaganapan na kung tawagin ay SPTA meeting o pagtitipon-tipon ng mga magulang, guro at iba pang stakeholders ng paaralan.
Nagsimula ang pagpupulong sa pambungad na palatuntunan. Sa pagkumpas ni Marichu S. Saet buong pusong inawit ang Lupang Hinirang na sinundan ng taimtim na panalangin na pinamunuhan ni Vincent D. Bambalan. Sinundan ni Gng. Mayla D. Iloreta ng pambungad na pananalita at mensahe ng pagtanggap ng Pangulo ng SPTA, Ferdinand VC. Nemenzo na sinundan ng mensahe ni Marlon P. Buza, Ulongguro-III.
(Ikinuha ni Llarinas, Arman Jhun P.)
Nagpahayag ng kanyang pagsuporta sa Foundation Day Celebration ang Pangulo ng SPTA, Ferdinand VC. Nemenzo sa kanyang "welcoming Address." Kinikayat niya ang mga magulang na makiisa sa nasabing pagdiriwang.
Nagsimula ang pagpupulong sa oras na ika-walo ng umaga. Ang unang tinalakay ay tungkol sa mga kandidato ng 49th Founding Anniversary ng paaralan. Ayon kay Leonida M. Gaffud dapat bawat bata ay magkaroon ng isang raffle ticket o isang stab.
Tinalakay din ang mga tagumpay at programa ng paaralan tulad ng sa Departamento Araling Panlipunan, Mathematics at MAPEH. Tinalakay din ang tungkol sa gaganaping Js Prom ng ika-10 at 12 baitang. Napag-usapan na kaswal dress ang susuotin ng mga mag-aaral at sumang-ayon naman ang mga magulang. Sunod na pinag-usapan ay ang mga babayarin sa paaralan gaya ng miscellaneous fee at iba pa. Ang huli ay pinahayag ng punong taga pagsalita na pwede ng pumunta sa kani kanilang silid-aralan para sa pagbibigay ng cards at mga iba pang dapat talakayin.
(Ikinuha ni Llarinas, Arman Jhun P.)
Nagpahayag si Leodinda M. Gaffud tungkol sa "49th Foundation Day Celebration" na magaganap nitong buwan ng Marso. Ayon kay Gaffud, ang tagumpay ng mga gawain ay nakasalalay sa suporta ng mga magulang.
Unang tinalakay ang pagdiriwang ng ika-49 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng paaralan na gaganapin sa unang araw ng Abril.
Sumunod naman sa usapan ang tungkol sa paghahanda para sa "JS Promenade" na nakatakdang gawin sa Pebrero 23. isa sa mga natalakay ay ang pagkakaroon ng magkawilay na pagdiriwang ng mga nasa ika-10 na baitang at mga nasa ika -12 na baitang. Layunin ng bawat isa na gawing espesyal at memorable ang gabi para sa mga mag-aaral.
(Ikinuha ni Llarinas, Arman Jhun P.)
Sa larawang ito, makikita na nagpapameryenda ang dalawang masipag mag-aaral sa mga magulang, nakagawian na ng paaralan na magpameryenda subalit maraming natira dahil mahigit 50% lamang ng mga magulang ang dumalo sa nasabing pagpupulong.
Matapos talakayin tungkol sa mga aktibidad, binigyan naman ng pansin ang pangangasiwa sa pagbigay ng mga report card ng mga mag-aaral sa pangalawang markahan. Pumunta ang mga magulang sa silid-aralan ng kanilang mga anak at doon binigay ng mga tagapayo ang Report Card ng mga bata at nagkaroon ng maiksing pagpupulong upang mapag-usapan ang mga kaialngan gawin para sa ikaka-unlad ng bawat silid-aralan.
Sa pangkalahatan, ang pagpupulong na ito ay nagresulta sa malinaw at organisado na plano para sa mga mahahalagang aktibidad at tungkulin ng paaralan. Asahan ang masusing pagsunod sa mga napagkasunduan at pagtutulungan ng bawat isa upang maging matagumpay ang mga layunin ng paaralan.
(Ikinuha ni Gabato, Eloissa Ghwen B.)
Pagkatapos ng SPTA Meeting, ang mga magulang at mag-aaral ay nagpatuloy sa kani-kanilang silid-aralan, para sa pagbibigay ng parangal at pagkuha ng mga report cards. Napag-usapan din ang mga kakandidato sa darating na 49th Founding Anniversary ng paaralan.
(Ikinuha ni Rivera, Francis M.)
Nang matapos ang pagpupulong at ang pagbibigay ng mga parangal sa mga estudyanteng nakapasok sa listahan ng karangalan, ay nanguha sila ng kani-kanilang litrato at mga litratong kasama ang kanilang mga kaibigan, upang ito ay magsilbing inspirasyon sa ibang mga mag-aaral. Isa sa mga hindi nila malilimutang kaganapan ni Arma Jhun P. Llarinas (gitna) at ni Eloisa Gwen B. Gabato (kanan) ang maparangalan ng kapirasong papel na sagisag ng pagsusumikap, pagsasakripisyo at parangarap para sa kanilang pamilya.
EDITOR: ARMAN JHUN P. LLARINAS
PHOTOJOURNALISM: ARMAN JHUN P. LLARINAS
LAY-OUT ARTIST: ARMAN JHUN P. LLARINAS
NEWS WRITERS: NIMPHA R. ANCHETA
CALYA C. YANG
FRANCIELLE M. CADIENTE
ELOISSA GHWEN B. GABATO
ADVISER: SIR CHRISTIAN R. SUNIO