Championing School-Based Management of KAO ELEMENTARY SCHOOL
Sa Ngalan ng SBM
Magkahalong tuwat’t lungkot ang aming naramdaman nang sabihin ng aming Punungguro na ilalathala ang ‘Best SBM (School-based Management) practices’ ng Kao Elementary School bilang kinatawan ng Nabunturan East District sa Dibisyon ng Davao de Oro.
“Kung ang koponan ng Barangay Ginebra ay may islogang “ Never Say Die”, tayo naman dito sa Kao Elementary School ay “ We don’t Settle for less” dahil basta ‘Kao wow’! mahinahong tugon ng aming transformisyunal lider G. Cresanto B. Cosadio.
Tila malamig na tubig ang ibinuhos sa kumukulong dugo bunsod ng kaliwa’t kanan at walang katapusang ‘deadline’ sa pagsusumiti ng mga reports, pagsagot ng mga links at iba pang mga gawain.
Isang nakakabinging katahimikan ang nakabalot sa paligid sa mga sandalling iyon nang kami’y pinaalalahanan sa kahalagahan ng SBM sa pagpapaunlad ng bawat Paaralan alinsunod sa desentralisasyon na pamamaraan.
Gamit ang analohiya sa pagluluto, ang SBM ay parang resipi na nangangailangan ng tamang timpla at kompletong rekados. Kaya ang maayos na pagtataguyod ng apat na prinsipyo ng SBM ( Leadership & Governance, Curriculum & Learning, Accountability and Continuous Improvement , Management of Resources) ang syang magluluklok sa tugatog ng tagumpay sa bawat pagsisikap ng Paaralan.
Kaya dito sa Kao Elementary School, Wow na Wow naming nakamit ang gantimpala bilang pinakaunang project W.A.T.C.H. (We Advocate Time Consciousness & Honesty) National Awardee sa buong dibisyon ng Davao de Oro na iginawad ng JCI ( Junior Chamber International) Senate Philippines. Dalawang beses din naming nasungkit ang pagiging kampyon sa Brigada Eskwela Best Implementing School, Small Category sa buong Dibisyon ng Davao de Oro at Regional Winner sa taong panuruan 2020-2021.
Bilang project WA.T.C.H. praktisyuner, tapat at transparent din ang pagtataguyud sa pinansyal na pamamalakad. Nakikibahagi at todo-suporta rin ang ipinakita ng iba’t ibang stakeholders sa mga programa, proyekto at mga gawain sa Paaralan tulad ng PTA, SGC, LGU, NGO, Alumni, Brgy ng Sto.Nino, Religious Sector, at mga pribadong sektor.
Sa pagbibigay ng dekalidad na Edukasyon, samu’t saring mga inobasyon ang aming nagawa tulad ng Brigada Pabasa, Project BRIGHT ( Be Ready Intellectually Geared Honesty & Timeliness), project DEAR ( Drop Everything & Read), at ipinatupad rin ang programang Bawat Bata Bumabasa o 3B’s. Bagkus, patunay lamang na talagang karapat-dapat na naging Level 3 ang aming SBM practices base sa resulta ng isinagawang ebalwasyon sa pangunguna ni G. Sandy G. Yee
Ito lahat ang mga kwento na may kwenta na nakaukit sa puso ng bawat isa bilang legasiya dito sa Paaralang Elementarya ng Kao. Puhunan namin ang dedikasyon, sakripisyo, at pagmamahal sa tungkulin sa ngalan ng SBM.