My Writing Journey

Hello! Welcome to my website! I am Lorraine, you can call me Lor or Raine or just Lorraine. I became interested in writing when I was in my seventh grade but before that, I was a reader. I've read wattpad since I was in my fifth grade. Reading stories really interests me because it awakens my imagination. Back when I was in my seventh grade, I started writing my story called, "My Nerdy Life". It was originally titled as, "High School Love". It was cringe, but it's okay because lahat naman tayo ay naka encounter talaga ang phase na 'yon. It was year 2016 and wattpad is rising, so many stories about bad boys, vampires, magics, mafia's, at marami pang iba, That's why nasulat ko ang story na 'yon. We all loved that trope, diba? Enemies to lovers kuno, bad boy na na-fall sa isang nerd, at nerd na isa palang long lost princess. Those types of tropes are one of my reasons to write and keep writing. I'm still stuck in that era but I am slowly moving forward. As you can see on my wattpad account, that story hasn't been published. The reason is that, I am still revising it. And it took me years. I am planning to start revising it once I have completed my on-going stories. Just a fun fact of this story, the original characters are me and my old friends from my seventh grade, BTS as our brothers, and our crushes as our partners. 

The second story that I wrote is titled as, "The Campus Heartthrobs and Us". Very cliche. I wrote that the same year after my first story. It didn't end tho. I stopped writing after that. That's when I started dancing K-POP songs. Eventually, I came back to writing months after. Ewan ko, baka mission ko na talaga sa buhay ang magsulat nang magsulat. I had many wattpad accounts because it's not my thing to keep passwords back then. Those accounts had stories that are either published or just in drafts. Sayang nga eh. 'Yung mga na-publish ko nalang na story sa mga accounts na 'yon ang ipagpapatuloy ko. Another fun fact, dahil nga isa akong K-POP fan at sobrang obsessed sa bangpink noon (hindi na ngayon huhu), ang mga portrayers ko rito sa second story ko ay bangpink. BTS at BLACKPINK. Pasensya na mga mare at pare kung naging shipper niyo ako, tapos na talaga ako sa era na 'yon. Aminin mo, may era ka rin na ganoon HAHAHA. Ayon nga, 'yung mga sumunod na story ko pa ay bangpink talaga ang portrayers, hindi naman ako nagsisi dahil part of childhood at writing journey ko 'yon kahit na cringe. 

Sumunod ay noong grade 9 ako. Sinimulan ko 'yung "Mysteria" ata pero nag-stop ako. Stress din kasi ang grade 9, ang daming events. Naging grade conscious din ako kaya stop muna sa pagsulat. After that, bakasyon na. 2019. Nagsulat ulit ako pero nakalimutan ko na kung ano 'yon. Baka nasa ibang account ko na naka drafts. Sumunod ay grade 10. 'Yung mga story na may year 2019 na nabanggit sa baba, kagaya ng Mariano Series, 'yun 'yung mga nasulat ko pero hindi natapos. Nawalan din ako ng time. Naging active ulit ako noong bakasyon, 2020. Tapos na ako sa grade 10. 

Next ay Pandemic era. Grabe, ang tagal na pala. 2020 'yon nag-start tapos 2022 na. Naging one shot story writer ako sa RPW. Months lang nga 'yon. And yes po, isa po ako sa mga tinatawag na rp'er/rp'ier. Hindi nga lang ako 'yung type na nakikita niyo sa fb na papansin at poser. Normal lang ho ako HAHAHA. Sinubukan ko lang noon na magsulat nang mga story sa RPW dahil active na active ako roon noon. Mga one shot lang sinusulat ko, sumasali rin ako sa mga writerhood pero umaalis din dahil hindi naman sila sobrang active, naaamag na after ilang days. May isang sikat na writerhood din doon pero nagdadalawang isip ako pumasok kahit friend in real life ko 'yung isa sa member nila. Shout out nga pala sa'yo, kilala mo na sarili mo HAHAHAHA. In the end, hindi ako pumasok. Tumigil din ako sa pagsulat doon pero marami-rami rin 'yung nasulat ko kaya nilagay ko nalang sa wattpad. Bakit ako tumigil? Secret lang 'yon HAHAHA, if you know then you know. Deleted na rin ang account ko kaya 'wag niyo na hanapin. 

Same year, 2020, nasulat ko 'yung Magics Series. Nauna nga ang Galaxia Academia noong 2019 eh pero hindi ko natapos kaya ipagpapatuloy ko nalang after 3 series ng Magics. Nakaplano na rin kasi ako ngayon kung paano ko ipag susunod ang limang 'yon. Nasulat ko rin 'yung ibang 2020 sa baba na nakalagay pero hindi rin natapos. Ghoster din ako eh HAHAHAHAHA. 

Sumunod ay 2021, dahil isa akong AU enthusiast ng ENHYPEN, naisipan ko rin na magsulat ng mga AU. Sa dinami-rami ng mga story ko na hindi natapos, I still have the audacity to write new stories. If my stories have its own life, nasabi na siguro nila ang katagang, "the betrayal" and plays Traitor by Olivia Rodrigo. Nauna ko talagang isulat ang You and I na AU ng ENHYPEN. AU means alternate universe. Marami niyan sa Twitter, search niyo lang. Ang You and I ay about sa isang babaeng hopeless romantic at isang lalaking romantic-less. SOBRANG CLICHE, bakit ko ba 'yon naisip. Pero dahil ghoster nga ako, hindi ko 'yon tinapos and wrote a NEW story, AGAIN. 

2023, inunpublish ko ang lahat ng story ko dahil nabusy ako sa pagiging college student (hindi ko naman pinagsisihan na nag hiatus muna ako sa pagsusulat dahil worth it naman ang kinalabasan, chancellor's list pa nga). This year ulit, July, pinublish ko ang Magix Academy pero revised and edited version na. Chapter 1-10 pa nga ang inuna ko. Hindi ko din alam kung kailan ulit ako makapagsusulat dahil nga may sariling buhay ako. Narealize ko na hindi lang pala sa pagsusulat umiikot ang buhay ko. Mahirap pala ang college. Siguro matatapos ko lang ang mga kwentong ginost ko kapag natapos na din ako sa pag-aaral, ewan ko ba. Nawalan talaga ako ng gana, wala na ang sparks. Nakakalungkot, mas malala pa sa break up (hindi ko na experience ang break up). 

Ayan lang siguro sa ngayon. Baka balang araw, makikita niyo rin ang physical book ko sa NBS or sa kahit anong book sale or library (wow naman ang taas ng pangarap). 

Thank you for reading my writing journey! Hindi pa 'yan tapos! Wala pa ako sa kalagitnaan ng journey ko kaya it's my pleasure to be with you, my Rainedrops. Sana hindi kayo magsawang basahin at suportahan ang mga story ko.

Love ko kayo!

Nagmamahal, 

Ghoster niyong Author

Here's some facts about me:

Pen name: Hernameisraine

Signature: RaineWrites 

Works

Works of Raine (Wattpad - link below)

One Shot Stories (Unpublished) 2019

ENHYPEN AU 2021

Magics Series 2019

Mariano Series (Coming Soon) 2019

Mystery Series (Coming Soon) 2019

Campus Series (Coming Soon) 2016

Stand Alone(Coming Soon) 2019